Watch Now

Mayor Isko Moreno napiling magbida sa Andres Bonifacio biopic

by Jojo Gabinete
Jun 12, 2021
Manila Mayor Isko Moreno is the final choice of Regal Entertainment Inc. producer Dondon Monteverde and director Erik Matti to play Andres Bonifacio in an upcoming historical film about the Filipino hero.
PHOTO/S: Artu Nepomuceno for Esquire Philippines / Regal Entertainment Inc.

Ginugunita ngayong araw, June 12, ang ika-123 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

Kasabay nito ang announcement ng Regal Entertainment Inc. producer na si Dondon Monteverde at ng direktor na si Erik Matti na si Manila City Mayor Isko Moreno ang napili nila para magbida sa Maypagasa.

Ang Maypagasa ay pelikula tungkol sa buhay ng bayani at Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio.

Maypagasa ang ginamit na pen name ni Bonifacio noong nakikipaglaban siya para mapalaya ang ating bansa mula sa pananakop ng mga Kastila.

Sina Dingdong Dantes, Coco Martin, Alden Richards, Jericho Rosales, at Pasig City Mayor Vico Sotto ang mga personalidad na nakonsidera para sa role ni Bonifacio.

Pero si Isko ang final choice nina Dondon at Direk Erik dahil bukod sa parehong nagmula sa Tondo at mga artista sa teatro, malaki umano ang pagkakahawig ng dalawa.

“Aside from their physical resemblance, both were theater actors who hailed from Tondo, Manila. And just like Moreno, the hero’s father, Santiago Bonifacio, was a former Manila mayor,” nagkakaisang pahayag nina Dondon at Direk Erik.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga natuklasang mga bagong impormasyon ang producer at ang direktor tungkol sa buhay ni Bonifacio kaya hindi sila nagdalawang-isip gumawa ng legacy film project na sisimulan ang pagsasapelikula sa huling linggo ng June 2021.

Coincidentally, ang paglilinis at restoration ng Kartilya o ng Bonifacio Shrine sa tabi ng Manila City Hall ang isa sa mga unang inasikaso ni Isko nang manungkulan ito bilang mayor ng Maynila noong June 2019, bago pa man naisip nina Dondon at Direk Erik na ipagkatiwala sa kanya ang pagbibida sa Bonifacio movie.

BONIFACIO'S LEGACY

Nakausap ng Cabinet Filess, a pamamagitan ng Facebook messenger, ang Denmark-based great granddaughter ni Bonifacio na si Susan Distrito-Meyer.

Lubos ang pasasalamat niya kay Isko dahil sa pagpapahalaga nito sa kanyang Lolo Andres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagpasalamat talaga ako kay Yorme kasi inuna niyang linisin ang Bonifacio shrine noong umupo siya.

"Nakakalungkot kasi ang nangyari, puro basura at tinayuan ng perya. Parang nababoy ito.

"Pero napaganda ni Yorme ulit. Nakaka-touch talaga," pahayag ni Susan.

Nagkaroon ng pagkakataon si Susan na makilala si Isko nang personal dahil naimbitahan siya sa unveiling ng restored Bonifacio Shrine noong July 2019.

Naniniwala si Susan na mabibigyan ng hustisya ni Isko ang karakter ng kanyang Lolo Andres sa epic movie ng Regal.

“Alam kong maka-Bonifacio si Yorme at nadarama din niya ang mga ipinaglaban ni Lolo Andres noon.

"Sa tingin ko, magaling din siya umarte. Hindi ko lang alam kung magaling siya sa action,” sabi ni Susan.

ISKO'S COMEBACK MOVIE

Ang Maypagasa ang kauna-unahang historical period movie ni Direk Erik, na sabik na rin sa nalalapit na pagsisimula ng shooting ng comeback movie ni Isko.

Gumanap si Isko bilang Padre Burgos sa Bonifacio: Ang Unang Pangulo na pinagbidahan ni Robin Padilla noong 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk Erik, “When we heard the details in Bonifacio’s life that we only heard for the first time, Dondon and I got interested.

“We’re interested in bringing to light new and fascinating details about a national hero that have not been depicted in the past hoping that we could understand Bonifacio better than before.

“We want to be able to tell a story about Bonifacio that hasn’t been taught in schools and has never been seen in the many Bonifacio movies made in the past. And we want to make this particular Bonifacio movie relevant to the year 2021.

“I am excited to start imagining the world that was and recreate the lives lived then. I am ready to create a place beyond what is imagined and a world that will ground all historical facts and bring out the kind of life led during that time.

“We are ready to work hard and make a piece of cinema that’s worth experiencing without the feeling of being lectured upon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Manila Mayor Isko Moreno is the final choice of Regal Entertainment Inc. producer Dondon Monteverde and director Erik Matti to play Andres Bonifacio in an upcoming historical film about the Filipino hero.
PHOTO/S: Artu Nepomuceno for Esquire Philippines / Regal Entertainment Inc.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results