Pelikula nina Kim Molina at Jerald Napoles, sumira ng record sa "box office"

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2021
Kim Molina on success of her latest film with boyfriend Jerald Napoles: "Nakakataba po ng puso na sobrang marami pa rin ang sumusuporta sa pelikula namin kahit hindi pa bukas ang mga sinehan dahil sa pandemic."
PHOTO/S: Screen grab from PEP Live

Sina Kim Molina at Jerald Napoles ang celebrity players sa The Wall Philippines, ang game show ni Billy Crawford sa TV5, nitong Sabado ng gabi, June 12.

Pero luhaang umuwi ang magkasintahan dahil wala silang cash prize na napanalunan kaya napurnada ang kanilang pangakong tutulungan ang mga kasamahan nila sa teatro.

Pero may kapalit na maganda ang pagkatalo nina Kim at Jerald sa The Wall Philippines.

Kasalukuyang gumagawa ng record ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam, ang kanilang pelikula na nagsimula ang streaming sa ktx.ph, iWantTFC, at VivaMax noong June 11.

Masayang-masaya sina Jerald at Kim sa balitang natanggap nila na, kumbaga sa sinehan, winasak ng kanilang pelikula sa opening day nito ang box office dahil sa dami ng mga nanonood ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Tinanong ng Cabinet Files ang reaksiyon nina Kim at Jerald sa tagumpay ng kanilang pelikula.

Ayon kay Kim, “Nakakataba po ng puso na sobrang marami pa rin ang sumusuporta sa pelikula namin kahit hindi pa bukas ang mga sinehan dahil sa pandemic.

Continue reading below ↓

“Masaya rin po kami ni Jerald na mas marami na ang nakakaintindi sa mensahe ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam, kahit binatikos ito noong una dahil sa trailer.”

Nakatikim ng mga batikos ang pelikula nila dahil ngongo ang karakter na ginampanan ni Jerald.

“N*ng*na solid!” naman ang reaksyon ni Jerald sa mga nababasa nitong positive reviews sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam ng netizens na nabigla dahil hindi nila inaasahang paiiyakin sila sa ending ng comedy movie na kanilang pinanood.

Isa si Dimples Romana sa nagkuwento kay Kim na umiyak siya nang panoorin niya ang pelikula.

Sabi ni Dimples, “Just finished watching. 2,000,000 units of emotions for the train scene.

“Found myself weeping with you and you brought me back to a time when I felt most alive. Overwhelmed with feelings and your eyes spoke of gratitude that you were feeling pain and joy and love all at the same time.

“I mean serious question, is there anything you and JE cannot do?”

Continue reading below ↓

Sa aming palagay, itong Ang Babaeng Walang Pakiramdam ang pinakamaganda sa lahat ng mga pelikulang isinulat at ginawa ng direktor na si Darryl Yap.

At dahil sa kontrobersiyal na ngongo character ni Jerald, ginagamit na ito sa mga TikTok video, partikular ang Pinoy Henyo scene nila ni Kim at popular search sa Facebook kagabi ang "Jerald Napoles ngongo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina on success of her latest film with boyfriend Jerald Napoles: "Nakakataba po ng puso na sobrang marami pa rin ang sumusuporta sa pelikula namin kahit hindi pa bukas ang mga sinehan dahil sa pandemic."
PHOTO/S: Screen grab from PEP Live
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results