Janno Gibbs, pinarunggitan ang mga pulitiko sa kanta niyang "imPeaches"

by Jojo Gabinete
Jun 13, 2021
Parody o patawa lang ang "imPeaches," ang bagong kanta ni Janno Gibbs, pero sapul na sapul ng lyrics nito ang mga katotohanang nangyayari sa panahon ng pangangampanya ng mga kandidato tuwing halalan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

Ang panoorin agad sa YouTube Channel niya ang kantang "imPeaches / Peaches Parody" bago ito mapagdiskitahan at alisin dahil sa usaping pulitika ang babala ni Janno Gibbs.

Isinabay ni Janno sa 123rd Philippine Independence Day celebration ang YouTube uploading ng "imPeaches," na sumasalamin sa dilemma ng mga Pilipino na nahihirapan sa pagpili ng karapat-dapat ihalal bilang Pangulo ng bansa sa May 2022 elections.

Hindi nakaligtaan ni Janno na banggitin sa lyrics ng "imPeaches"—na may danceable melody—ang mga kasong kinasangkutan ng mga nakaraang presidente ng Pilipinas at ang pagmamahal ni President Rodrigo Duterte sa China.

Para kay Janno, isang parody o patawa lang ang "imPeaches."

Pero sapul na sapul ng lyrics ng kanta ang mga katotohanang nangyayari sa panahon ng pangangampanya ng mga kandidato na ginagawa ang lahat ng mga pambobola at binibitawan ang lahat ng pangako, na kinakalimutan nila kapag nakaluklok na sila sa puwesto.

Ito ang buong lyrics ng "imPeaches":

Continue reading below ↓

“O na-impeach na si Estrada, may Hello Garci pa si Gloria, si P-Noy, asan ang Yolanda at si Duterte, love ang China.

“Paano na’to? Sinong boboto sa mga kandidato? Di makapili sa pinili ng pangulo na tatakbo?

"Sina Yorme, Sara at Bong Go, si Pambansang Kamao at magka-tandem daw sila ni Sotto.

“O na-impeach na si Estrada, may Hello Garci pa si Gloria, si P-Noy, nasaan ang Yolanda, at si Duterte, love ang China.

“Hindi biro ang pumili ng tatayong lider nitong bayang ating sinilangan dahil ang nakataya, ang kinabukasan ng bansa. Nakakabahala.

“Di ba siya kakaloka, kanya-kanyang pambobola pag sila’y nangangampanya, mga promises ay bongga.

“Ngayong araw ng kalayaan, huwag sana nating kalimutan kapakanan ng ating bayan sa susunod nating halalan.

“Kay misis lang ako takusa, mas masakit pa sa bakuna. Kapag ang kilay tumayo na, nahuli kang may katsika, babay na.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parody o patawa lang ang "imPeaches," ang bagong kanta ni Janno Gibbs, pero sapul na sapul ng lyrics nito ang mga katotohanang nangyayari sa panahon ng pangangampanya ng mga kandidato tuwing halalan.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results