Robin Padilla, naglayag kasama ang mga mangingisda para sa isang docu

by Jojo Gabinete
Jun 14, 2021
Robin Padilla on Pinoy fishermen: “Nakita ko ang pagsisilbi nila sa kapwa. Galing talaga sa puso nila. Hindi sila nangingisda dahil gusto nilang kumita ng pera. Iniisip talaga nila na may makain ang mga Pilipino.”

Ilang araw naglayag si Robin Padilla sa West Philippine Sea, sakay ng fishing vessel na Victor 88, para sa six-part documentary series tungkol sa kalagayan ng mga mangingisdang Pilipino.

Si Robin ang producer ng Victor 88 na mapapanood sa kanyang social media platforms.

Pero nakikipag-usap na siya sa management ng isang TV network at ng isang popular streaming site para maipalabas ang iprinodyus niyang documentary series.

Personal na nakita at naranasan ni Robin ang mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga mangingisda nang sumama siya sa paglalayag ng Victor 88, kaya lalong tumindi ang kanyang kagustuhang makatulong.

Pahayag ng aktor, “Pinasok ko talaga ang buhay ng isang mangingisda at sa ilang araw po namin doon sa karagatan, nakakatuwa pong makapiling ang mga mangingisda na ating mga bayani.

“Napakasarap na makasama itong mga kapatid nating mangingisda kasi napakabuti nila. Kapag kausap mo sila, wala kang maririnig na masamang tinapay sa kapwa.

“Nakita ko ang pagsisilbi nila sa kapwa. Galing talaga sa puso nila.

Continue reading below ↓

"Hindi sila nangingisda dahil gusto nilang kumita ng pera. Iniisip talaga nila na may makain ang mga Pilipino,” pahayag ni Robin nang ilunsad niya ang Victor 88 sa pamamagitan ng isang digital media conference na isinabay niya sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Independence noong June 12.

Bukod sa Victor 88, may plano si Robin na mag-produce ng Part 2 ng documentary film na Memoirs of A Teenage Rebel, at ito ang isa sa mga dahilan kaya hindi siya tumatanggap ng mga teleserye.

“Masyado pong malaking oras ang kinukuha ng teleserye. Lolo na rin ako, 51 na ako, e. Medyo hindi ko na kaya yung ganoong puyatan.

“Hindi ko na po kaya yung 12 hours na taping. Hindi ko na kaya ‘yon.

"Siguro kung five-hours taping lang, yung mga role na lang na hindi na siguro masyadong mahirap.

“Yung mga mahihirap, ibigay na lang natin sa mga bata.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla on Pinoy fishermen: “Nakita ko ang pagsisilbi nila sa kapwa. Galing talaga sa puso nila. Hindi sila nangingisda dahil gusto nilang kumita ng pera. Iniisip talaga nila na may makain ang mga Pilipino.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results