TV remake ng Puto at Nakagapos Na Puso, kabilang sa upcoming shows ng TV5

by Jojo Gabinete
Jun 14, 2021
Mapapanood sa TV5 ang TV remake ng 1987 movie ni Herbert Bautista na Puto. Kasama pa rin si Herbert sa cast ng bagong Puto dahil siya ang gaganap na ama ng bidang si McCoy de Leon.
PHOTO/S: Viva Television / TV5

Ang TV5 game show ni Billy Crawford na The Wall Philippines ang ilalagay sa 9 p.m. timeslot na nabakante ng game show ni Xian Lim na 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy.

Nagpaalam na sa ere ang 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy noong Sabado, June12, dahil sa pagtatapos ng unang season nito.

Ang ilalagay sa dating oras ng The Wall Philippines na 6 to 7 p.m. ay angPuto, ang fantasy-comedy series na pinagbibidahan nina Herbert Bautista at McCoy de Leon.

Ang Puto ang TV remake ng Puto, ang 1987 movie ni Herbert noong 19 pa lamang ang kanyang edad. Fifty-three years old na ngayon si Herbert kaya ama na ni McCoy ang karakter niya sa Puto.

Susundan ang Puto ng Rolling In It, ang game show ni Yassi Pressman.

Kasunod nito ang Encounter, ang drama series na tinatampukan nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga.

Tiniyak ng TV5 insider na magkakaroon ng bagong season ang 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy, pati na ang talent search program na Born To Be A Star, Rolling in It, at ang reality singing competition na Masked Singer Pilipinas.

Continue reading below ↓

Para naman sa mga drama series ng TV5, nakalinya na ang unang drama series ni Julia Barretto sa Kapatid Network, ang Di Na Muli.

Si Marco Gumabao ang leading man ni Julia sa teleserye na mula sa direksiyon ni Andoy Ranay.

Co-stars nina Julia at Marco sa Di Na Muli sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Katya Santos, Lander Vera Perez, Andre Yllana, at Baron Geisler.

Magkakaroon din ang TV5 ng remake ng Nakagapos Na Puso, ang blockbuster movie nina Sharon Cuneta at Lorna Tolentino na ipinalabas sa mga sinehan noong November 12, 1986.

Sina Ryza Cenon at Ella Cruz ang mga napipisil para muling magbigay-buhay sa mga karakter ng magkapatid na Elisa at Elaine Fajardo sa Nakagapos Na Puso.

Isa sa mga hindi malilimutang hugot na linya mula sa Nakagapos Na Puso ay ang dialogue ni Sharon na “Oo Ate, oo Ate. Puro na lang ako oo Ate! Para akong manyikang de susi!” sa confrontation scene nila ni Lorna.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mapapanood sa TV5 ang TV remake ng 1987 movie ni Herbert Bautista na Puto. Kasama pa rin si Herbert sa cast ng bagong Puto dahil siya ang gaganap na ama ng bidang si McCoy de Leon.
PHOTO/S: Viva Television / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results