Jasmine Curtis Smith maayos ang pag-alis sa dating talent manager na si Betchay Vidanes

by Jojo Gabinete
Jun 15, 2021
Betchay Vidanes on parting ways with actress Jasmine Curtis Smith: "Sobrang maayos ang paghihiwalay namin ni Jasmine. It’s just an end of era, tapos na. Mutual decision ang nangyari. Nag-usap kami tapos tinanong niya ako tungkol sa kanyang napupusuan na lipatan."
PHOTO/S: Crown Artist Management / Instagram

Pinatunayan ni Jasmine Curtis Smith at ng talent manager na si Betchay Vidanes na hindi pagkakaunawaan ang lahat ng ugat ng paghihiwalay ng dalawang taong nagmamahalan dahil maayos na maayos ang pagkakanya-kanya nila ng landas.

Si Betchay ang itinuturing na pangalawang ina ni Jasmine dahil siya ang namahala sa showbiz career ng nakababatang kapatid ni Anne Curtis nang pasukin nito ang pag-aartista noong 2011.

Tumagal ng sampung taon ang pagsasama ng dalawa bilang talent manager at artista.

Pero noong April 2021, nagkasundo sina Betchay at Jasmine na wakasan ang kanilang talent-manager relationship pero hindi ang malalim nilang pagkakaibigan.

Lumipat si Jasmine sa Crown Artist Management, ang talent management agency ni Maja Salvador at ng boyfriend nitong si Rambo Nuñez.

Ang Crown Artist Management din ang namamahala ngayon sa career ni John Lloyd Cruz.

Ito ang official statement na inilabas ng Vidanes Celebrity Marketing, ang talent management company ni Betchay:

“Jasmine and I have parted ways, effective June 14, 2021. She will now be managed by Crown Artist Management.

Continue reading below ↓

“This was a very very peaceful and mutual separation. It was simply just the end of an era for both of us. Thank you.”

END OF AN ERA

Inulit ni Betchay na maganda at napakaayos ng paghihiwalay nila ni Jasmine nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes ng hapon, June 15.

Pahayag ng talent manager, “Oo maayos, sobrang maayos ang paghihiwalay namin ni Jasmine. It’s just an end of era, tapos na.

“Mutual decision ang nangyari. Nag-usap kami tapos tinanong niya ako tungkol sa kanyang napupusuan na lipatan.

"Sabi ko, 'Okey ‘yan. Very good.'

“April 2021 kami nag-usap, then June, nakahanap na siya ng lilipatan na talent management agency.

"Maayos kaming nag-usap, maayos talaga lahat. Sobrang organized.

“Nire-repost ko at nila-like ko yung mga post ng Crown about Jasmine kasi deserve niya ‘yon.

“Ang ganda ng pag-uusap namin. Nag-lunch kami, matagal yung lunch namin. Siyempre, iyak-iyakan, in-assess naming dalawa kung ano na ba ang nangyari.

Continue reading below ↓

“After the assessment, sinabi ko sa kanya, 'I think it’s time to part ways as talent-manager.'

"Sabi naman niya, 'But as Mama B, I’m still your daughter.' 'Oo naman, hindi na ‘yon mawawala."

Patuloy ni Betchay, "Nang i-reveal ng Crown na talent na nila si Jasmine, sinabi ko sa kanya na 'I’m sad but I’m happy for you.'

“Na-relax ako for Jasmine kasi nakakatrabaho ko rin si Rambo. Kung hindi ako mare-relax kay Rambo, baka sabihin ko kay Jasmine na, 'Hindi, sa akin ka muna.'

"Pero nung sinabi niya na Crown Artist Management, sabi ko talaga, okey ‘yan, as in hindi ako nagdalawang-isip.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Betchay Vidanes on parting ways with actress Jasmine Curtis Smith: "Sobrang maayos ang paghihiwalay namin ni Jasmine. It’s just an end of era, tapos na. Mutual decision ang nangyari. Nag-usap kami tapos tinanong niya ako tungkol sa kanyang napupusuan na lipatan."
PHOTO/S: Crown Artist Management / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results