Mygz Molino, hindi apektado ng maling paratang sa kanya ng mga kamag-anak ni Mahal

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2021
Mygz Molino: "Basta ako, hangga’t totoo yung mga ginagawa at ipinapakita ko kay Mahal, walang pwedeng humusga sa akin. Kung nararamdaman ni Mahal na ginagamit siya at inaabuso, siya ang unang aalis. Sinabi ko sa kanya na 'Kung hindi ka na komportable at hindi okay...' nasa kanya ang desisyon."
PHOTO/S: Instagram / YouTube

Hangga’t maaari, ayaw raw sanang magsalita at makialam ni Mygz Molino sa problema ni Mahal at ng pamilya nito.

Pero pumayag magsalita ang YouTuber at aktor sa Cabinet Files para matapos na ang isyu sa pagitan ng magkabilang-panig.

Si Mygz ang nasa sentro ng kontrobersiya dahil sa paratang na madalas ang pagpapaiyak niya kay Mahal sa mga prank na kanyang ginagawa.

Mabigat din ang akusasyon kay Mygz na ginagamit lamang umano nito si Mahal para dumami ang subscribers ng kanyang YouTube channel.

Paliwanag ni Mygz, “Nagsimula po ang isyu dahil umiyak si Mahal sa prank namin sa kanya nina Tekla at Donita Nose.

“Kinausap namin si Mahal regarding sa vlog collaboration, at nag-usap kami nina Tekla at Donita Nose tungkol sa prank namin na pagseselosin si Mahal.

"Parang gustong ipakita nina Tekla at Donita na ang pagseselos, hindi naman dahil sa may relasyon ang dalawang tao.

“Ang katuwiran ni Mahal kaya siya umiyak noon, ayaw niyang magkaroon ng ibang ka-tandem sa vlog dahil komportable siya sa akin. Ayaw rin niyang magkaroon siya ng ibang ka-tandem.

Continue reading below ↓

"After ng prank na ‘yon, naging okay ang lahat."

Ang vlog collaboration nila nina Super Tekla at Donita na nagpaiyak kay Mahal ang hindi ikinatuwa ng mga kamag-anak ng dimunitive comedienne kaya pinauuwi na lamang ito sa Bicol.


FALSE ACCUSATIONS AGAINST HIM

Iniiwasan ni Mygz na maapektuhan ng mga masasamang bintang ng mga kamag-anak ni Mahal dahil, una, wala raw katotohanan ang mga akusasyon laban sa kanya.

Continue reading below ↓

Pangalawa, tinutupad niya ang pangakong hindi pababayaan ang comedienne.

Saad ni Mygz, “Wala naman po problema sa akin. Ipinangako ko kay Mahal, tutulungan ko siya hanggang kaya ko.

"Hanggang nandiyan ka, hanggang nandito ako, magtutulungan kami. Pero kung gusto niyang umalis, nasa kanya ang desisyon.

“Sinabi ni Mahal na walang dahilan para magkaganoon ang sitwasyon kaya umiiyak siya ngayon.

“Nanggigigil si Mahal dahil hindi totoo ang mga paratang ng mga kamag-anak niya laban sa akin.

“Hindi naman ako naapektuhan dahil totoo po ang pakikisama ko kay Mahal. Walang halong panggagamit, kasi ang pangit pakinggan.

“Kumbaga, kung gusto ko lang sumikat para manggamit ng ibang tao, siguro sa ibang tao, pwede nilang gawin ‘yon.

"Pero sa akin, hindi ko iniisip ‘yon dahil may takot ako sa karma, may takot ako sa Diyos, kaya never pumasok sa isip ko ang salitang panggagamit at manggamit ng kapwa."

Noon pa man, inasahan na raw ni Mygz na darating ang panahong may mga taong pagdududahan at kukuwestyunin ang motibo ng pagtulong niya kay Mahal.

Continue reading below ↓

Ito ang dahilan kaya hindi na siya nagulat sa pang-iintriga na ginagawa ngayon laban sa kanya.

"Nandito po tayo sa Pilipinas, hindi po mawawala ‘yan sa isip ng ilang kababayan natin," sabi ni Mygz.

"Basta ako, hangga’t totoo yung mga ginagawa at ipinapakita ko kay Mahal, walang pwedeng humusga sa akin.

“Kung nararamdaman ni Mahal na ginagamit siya at inaabuso, siya ang unang aalis.

"Sinabi ko sa kanya na 'Kung hindi ka na komportable at hindi okay...' nasa kanya ang desisyon."

IS THERE PHYSICAL INTIMACY BETWEEN MYGZ AND MAHAL?

Once and for all, tinanong ng Cabinet Files si Mygz tungkol sa paniniwala ng iba na may physical intimacy na nangyayari sa kanila ni Mahal dahil sa gabi-gabing magkasiping na pagtulog nila sa iisang kama.

Nanindigan si Mygz na matalik na magkaibigan lamang sila ni Mahal at walang halong sekswal ang kanilang relasyon.

“Takot po si Mahal na matulog mag-isa kaya magkasama kami sa kuwarto at magkatabi na natutulog sa isang kama,” depensa ni Mygz.

Continue reading below ↓

Dating naninirahan sina Mahal at Mygz sa bahay na inuupahan ng aktor sa Marikina City.

Pero nang matapos ang taping ni Mahal para sa Owe My Love ng GMA-7, nagpasya si Mygz na manirahan na lamang sila sa bahay ng kanyang pamilya sa Tanauan, Batangas para makatipid sa mga gastos.

Continue reading below ↓

Pero bago niya isinama si Mahal sa Tanauan, tiniyak ni Mygz na may permiso siya mula sa ama at mga kapatid ng comedienne.

May tatlong kuwarto ang bahay ng pamilya ni Mygz sa Tanauan, at kasama nila ni Mahal ang kanyang ina at mga kapatid.

Para hindi na bigyan ng mga tao ng malisya ang magkasiping na pagtulog nila sa iisang kama, tinanong namin si Mygz kung bakit hindi na lamang niya patulugin si Mahal sa kuwarto ng kanyang ina.

“Kasama po ni Nanay sa kuwarto ang kapatid kong babae,” sagot ni Mygz.

Nang sabihin namin kay Mygz na hindi ba pwedeng magkasama sila ni Mahal sa iisang kuwarto pero magkahiwalay ang kanilang mga kama, nagkaroon siya ng idea na ibili ng ibang kama o crib na matutulugan ang kanyang kaibigan.

Sa ngayon, hindi iniisip ni Mygz ang posibilidad na magkakahiwalay sila ni Mahal dahil lamang sa mga walang katotohanang bintang ng mga kamag-anak ng 46-year-old comedienne.

Continue reading below ↓

“Go with the flow lang po ako, pero palagi kong sinasabi na ang Diyos na ang bahala sa magiging sitwasyon namin,” sabi ni Mygz.

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mygz Molino: "Basta ako, hangga’t totoo yung mga ginagawa at ipinapakita ko kay Mahal, walang pwedeng humusga sa akin. Kung nararamdaman ni Mahal na ginagamit siya at inaabuso, siya ang unang aalis. Sinabi ko sa kanya na 'Kung hindi ka na komportable at hindi okay...' nasa kanya ang desisyon."
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results