Jerald Napoles umapela sa publiko na huwag manood ng pirated copy ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2021
Lantarang ibinebenta ng mga pirata ang pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina na Ang Babaeng Walang Pakiramdam sa halagang P35.00 at P20.00, ka-bundle ng foreign movie na The Conjuring: The Devil Made Me Do It na pinipilahan naman sa mga sinehan sa Amerika.
PHOTO/S: Viva Films

Umapela si Jerald Napoles na panoorin ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam sa legal na paraan.

Nakarating kasi sa kanyang kaalaman ang talamak na online piracy sa "blockbuster" movie nila ni Kim Molina.

Mensahe ni Jerald, “Daming namirata ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam, nood na kayo ng legit mga lodi.

"Tulong na rin sa amin sa industriya para mas marami pa ang ma-produce ng gaya ng ganitong pelikula na magpapatawa at magpapaiyak sa inyo.

“Mas mababa sa sine ang bayad, buong pamilya niyo ang makakapanood.

"Maraming salamat sa mga nanood sa VivaMax, iWantTFC, at ktx.ph. Malaking tulong sa amin ang suporta niyo."

Shameless ang mga online movie pirate ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam dahil lantaran nilang ibinebenta sa halagang P35.00 at P20.00, ka-bundle ng foreign movie na The Conjuring: The Devil Made Me Do It na pinipilahan naman sa mga sinehan sa Amerika.

Pero panandalian lamang ang pananamantala ng online film pirates dahil nakatutok sa lahat ng social media platforms ang mga tauhan ng Viva Films.

Continue reading below ↓

Mabilis na naibaba ang illegal links ng pelikula, at walang nagawa ang mga abusado na film pirates nang maharang at isara ang kanilang mga social media account.

Hindi lamang ang mga streaming site sa Pilipinas ang biktima ng online piracy dahil nangyari rin ito sa Netflix at Disney+.

NGONGO CHARACTER

Ang overwhelming success ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam ang rason kaya napakalaki ng posibilidad na magkaroon ng bagong pelikula tungkol sa Ngongo character ni Jerald na umani ng mga papuri dahil sa kanyang mahusay na pagganap.

Natutuwa si Jerald dahil napatunayan ng mga nanood ng pelikula nila ni Kim na hindi nakakainsulto sa mga ngongo ang kuwento ng pelikula at ang akting na ipinamalas niya.

Bago pa man nagsimula ang streaming ng Ang Babaeng Walang Pakiramdam, nagsimula na ang shooting nina Kim at Jerald para sa kanilang bagong project na mula sa direksiyon ni Irene Villamor, ang Ikaw at Ako at ang Ending.

Continue reading below ↓

Kinukunan sa Pagudpud, Ilocos Norte ang lahat ng mga eksena ng pelikula na nag-umpisa ang filming noong June 3.

Bukas, June 17, inaasahan ang pagbabalik nina Kim at Jerald sa Metro Manila.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lantarang ibinebenta ng mga pirata ang pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina na Ang Babaeng Walang Pakiramdam sa halagang P35.00 at P20.00, ka-bundle ng foreign movie na The Conjuring: The Devil Made Me Do It na pinipilahan naman sa mga sinehan sa Amerika.
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results