Announcement ng pagpasok ni Pokwang sa GMA-7, inunahan ng TBATS

by Jojo Gabinete
Jun 16, 2021
Bago pa man ang official statement ng pagiging Kapuso ng comedienne na si Pokwang ay naianunsiyo na ito ng programang The Boobay and Tekla Show, na unang guest appearance niya sa GMA-7.
PHOTO/S: Facebook

Ngayong contract star na siya ng GMA Artist Center, pwede nang palitan ni Luke Conde ang mga user name nito sa kanyang mga social media account.

"Hashtag Luke Conde" ang handle name ni Luke sa mga social media account nito at dahil wala na siya sa Kapamilya Network, nararapat lang na hindi na niya gamitin ang pangalan ng grupo na kanyang dating kinabibilangan.


Continue reading below ↓

Hindi si Luke ang huling artista na nanggaling sa ABS-CBN na nagdesisyong ipaubaya sa talent management arm ng GMA Network ang pamamahala sa kanyang showbiz career.

Anytime soon, magkakaroon ng official announcement ang GMA Artist Center na contract star na rin nila ang comedienne na si Pokwang.

Si Pokwang ang special guest sa The Boobay and Tekla Show sa darating na Linggo, June 20.

Ipinahiwatig na ito sa official Instagram account ng comedy talk show ang paglipat niya sa Kapuso Network.

Hindi maitatangging si Pokwang ang pinahuhulaan nina Boobay at Tekla sa kanilang “Guest Who?” post na may caption na "Sino kaya ‘tong bagong Kapuso star na makakasama ng #TBATS squad ngayong Linggo?"

Continue reading below ↓

Na-pre-empt ang formal announcement tungkol sa pagiging Kapuso ni Pokwang dahil nauna nang naglabas ang official Instagram account ng comedy show nina Tekla at Boobay.

Ibinalita na rin sa Facebook page ng Solid Kapuso at Kapuso Global Warriors ang pagpasok ni Pokwang sa GMA-7.


Pokwang with TBATS hosts Boobay and Super Tekla

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago pa man ang official statement ng pagiging Kapuso ng comedienne na si Pokwang ay naianunsiyo na ito ng programang The Boobay and Tekla Show, na unang guest appearance niya sa GMA-7.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results