President Duterte, pumayag nang sa ospital na lamang gumamit ng face shields

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2021
Ayon kay Senate President Tito Sotto, pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang mandatory ang paggamit ng face shields.
PHOTO/S: Jerome Ascano

Si Senate President Tito Sotto ang nag-anunsiyo na, diumano, pumayag na si President Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang gagamitin ang face shields.

“Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!” tweet ni Sotto ngayong Huwebes ng umaga, June 17.

Continue reading below ↓

May mga kababayan tayong dumaraing na nahihirapan sa paghinga dahil bukod sa paggamit ng face mask, nagsusuot pa sila ng face shield, kaya ikinatuwa nila ang pahayag ni Sotto.

Si Manila City Mayor Isko Moreno ang unang nagsabi, sa pamamagitan ng isang official statement noong June 2, na huwag nang ipatupad ang mandatory o sapilitang pagsusuot ng face shield dahil dagdag gastos at parusa ito sa mga Pilipino.

“Ang face shield ay dapat ipatigil nang i-require sa general population at gamitin na lamang sa ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng taumbayan.

“Tayo na lang yata sa buong mundo ang nag-re-require ng face shield sa kalsada. Dapat pag-isipan uli ito,” bahagi ng opisyal na pahayag ni Moreno.

At para patunayang tama ang kanyang punto tungkol sa paniniwala niyang ipahinto na ang mandatory wearing ng face shield, ginamit na katwiran ni Moreno ang pag-aaral na ginawa ng Centers for Disease and Control (CDC) sa Amerika.

Continue reading below ↓

"Sabi ng CDC, isang health institute sa Estados Unidos, ito'y pag-aaral ng Association for Professionals in Infection Control and Epidemiology, sabi dito, conclusion: surgical masks alone provided good protection, surpassing the protection provided by face shield alone. Both used together provided best protection.

“Tama. Although, the combined protection was similar to surgical masks used alone. So, ibig sabihin, walang significance,” paliwanag ni Moreno.

Hinimok ng Manila mayor ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na i-review ang policy tungkol sa pagsusuot ng face shield.

Pero sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong June 3, sinabi niyang hindi kailangan ng kompromiso sa mungkahi ni Moreno sa IATF tungkol sa paggamit ng face shield.

Pahayag noon ni Roque, “Parang walang kinakailangan na compromise because it is a scientific fact na nakakatulong po ang pagsusuot ng face shield.

"Sa siyensya, may basehan po 'yan. Sa gastos, bagamat nagastusan ang ating mga kababayan, halos lahat naman na po may face shield, so wala na pong extra gastos po 'yan."

Continue reading below ↓

Nabalewala ang pahayag ni Roque dahil sa sinabi ni Pangulong Duterte na gamitin na lamang ang face shield sa mga ospital na nauna nang iminungkahi ni Mayor Isko.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Senate President Tito Sotto, pumayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang mandatory ang paggamit ng face shields.
PHOTO/S: Jerome Ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results