Bakit naniniwala si Senator Koko Pimentel na si Manny Pacquiao ang dapat maging susunod na Pangulo ng Pilipinas?

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2021
Senator Koko Pimentel (left) on Senator Manny Pacquiao (right): "Kapag sinabi niyang ‘Alam ko ang nararamdaman ninyo kung gutom kayo or wala kayong makuhang trabaho,’ tama ‘yon, totoo ‘yon, alam niya. So, ngayon, yung puso, nasa tamang lugar. Gusto nga niya na i-solve yung problema na ‘yon."
PHOTO/S: ANC

Ang PDP-Laban executive vice chairman na si Senator Aquilino "Koko" Pimentel III ang virtual guest ni Karen Davila sa Headstart nitong Huwebes ng umaga, June 17.

Hindi siya nagbibiro nang sabihin niya na ang kanyang party-mate at PDP-Laban national president na si Senator Manny Pacquiao ang susunod na Pangulo na kailangan ng bansa.

Pahayag ni Pimentel, “It seems that he has been preparing for this possibility.

"He has many ideas and he’s been explaining his program of government, his platform, and there are many people from different sectors of our society and different socio-economic classes who have pledge of support to him.

“For a position, hindi ko alam, but they’re there consulting with him, telling him their problems, sharing with him, dialoguing with him, so this is what we need.

“This is the leader that we need, the president that we need.

"Number one, [one] who has a plan for the country, who has the right heart.

Continue reading below ↓

“It’s time to look at the heart, the heart is in the right place with the right motivation, the right feelings and emotions.

"Number two, the plan. And number three, the support."

Patuloy ng senador, “The widespread enough support from the people, of the Philippines, yun ang importante.

"That’s why if you look at the senatorial surveys, he’s topping it. Number one na siya dun, e.

"If he will listen to me, I will tell him, 'If you want to run for president, declare na in August or September. Hindi pwedeng i-delay masyado ‘yan.'"

Kabilang sina Davao City Mayor Sara Duterte at Manila Mayor Isko Moreno sa mga matutunog na diumano’y kakandidato bilang Pangulo ng Pilipinas sa halalan sa May 2020, pero hindi pa sila nagdedeklara ng kandidatura.

Kaya ang edge o ang kalamangan ni Pacquiao sa dalawa ang sumunod na tanong ni Karen kay Pimentel.

Ayon kay Pimentel, ang dating pagiging mahirap ni Pacquiao hanggang yumaman ito ang dahilan kaya, para sa kanya, nararapat at magiging mahusay na Pangulo ng bansa ang Pinoy boxing champ.

Continue reading below ↓

Saad niya, “Being a partyman, I’m just looking at the party, so yung mga outsider, I mean the other parties preparing, okay ‘yon, dahil you’re doing the right thing, you’re also preparing because you’re a political party.

“Dito muna ako sa political party ko.

"But the greatest asset of Manny Pacquiao, given the difficulties which our country’s undergoing right now and our people, poverty is still widespread, it’s still there.

"He has seen the different levels of economic situation in the lives of human beings.

"Dinaanan niya lahat ‘yon—hanggang sa from natutulog sa kariton hanggang ngayon na umabot na siya na he can now stay in an exclusive village.

"Nakita niya lahat ‘yon, nakita niya."

Sabi pa ni Pimetel, "So, kapag sinabi niyang ‘Alam ko ang nararamdaman ninyo kung gutom kayo or wala kayong makuhang trabaho,’ tama ‘yon, totoo ‘yon, alam niya.

"So, ngayon, yung puso, nasa tamang lugar. Gusto nga niya na i-solve yung problema na ‘yon.

Continue reading below ↓

"I think he will be a good choice of the party to push for president.

"Pero of course, gaya ng sinabi ko kanina, running should be voluntary and the person should be willing to run for that particular position."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Koko Pimentel (left) on Senator Manny Pacquiao (right): "Kapag sinabi niyang ‘Alam ko ang nararamdaman ninyo kung gutom kayo or wala kayong makuhang trabaho,’ tama ‘yon, totoo ‘yon, alam niya. So, ngayon, yung puso, nasa tamang lugar. Gusto nga niya na i-solve yung problema na ‘yon."
PHOTO/S: ANC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results