Watch Now

Pasig City Mayor Vico Sotto, ayaw tumanggap ng regalo ngayong 32nd birthday niya

by Jojo Gabinete
Jun 17, 2021
Mayor Vico Sotto: "Bati ninyo sapat na, hindi na kailangan ng regalo. Baka may nagbabalak pa magpadala ng regalo, ‘wag na po. Okay lang po ako."
PHOTO/S: Facebook / Instagram

Ngayon Huwebes, June 17, ang 32nd birthday ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Pero sa Facebook Live session nito noong nakaraang Lunes, mahigpit ang bilin niya sa kanyang supporters na huwag nang mag-abala na padalhan siya ng regalo.

"Maraming salamat sa mga bumabati sa atin. 'Wag na po kayo magpadala ng regalo, ha?

"'Wag na po masyadong ano. Hindi naman talaga ako nagse-celebrate ng birthday.

"Bati ninyo sapat na, hindi na kailangan ng regalo. Baka may nagbabalak pa magpadala ng regalo, ‘wag na po. Okay lang po ako,” paalaala ni Mayor Vico.

May mensahe rin para sa mga taong nagpupumilit na bigyan siya ng birthday gift.

Aniya, “Kung gusto ninyo, bumili na lang po kayo ng food pack, bigay niyo po sa nangangailangan.

"Gamitin ninyo na lang po yung pera, i-donate niyo po sa mas nangangailangan."

Pinagbigyan si Mayor Vico ng constituents nito sa Pasig at ng mga supporter niya dahil bumaha ngayon sa social media ang pagbati sa kanya ng maligayang kaarawan, kasama ang mga panalanging magkaroon siya ng malusog na pangangatawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TALI'S HAPPY BIRTHDAY SONG FOR "KUYA VIGO"

Ang cute at very smart three-year-old sister ni Vico na si Tali ang isa sa mga bumati sa kanya at gumawa ng video na inaawitan siya ng birthday song.

May hatid na aliw at saya ang video greeting ni Tali.

Lalo siyang naging lovable sa paningin ng netizens dahil kung susuriin at pakikinggang mabuti, "Vigo" at hindi Vico ang bigkas niya sa pangalan ng kanyang kuya habang kumakanta siya ng birthday song.

“Happy birthday, Kuya Vigo. Happy birthday, Kuya Vigo. Happy birthday, Kuya Vigo. Happy birthday, Kuya Vigo” ang awit ni Tali.

Sinundan niya ito ng pagbati ng “Hi Kuya Vigo. Happy birthday! God bless you!” at ng isang matunog na flying kiss.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mayor Vico Sotto: "Bati ninyo sapat na, hindi na kailangan ng regalo. Baka may nagbabalak pa magpadala ng regalo, ‘wag na po. Okay lang po ako."
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results