"Paraluman" singer na si Adie, alagang-alaga ng managers niyang sina Kean Cipriano at Chynna Ortaleza

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2021
Kean Cipriano on OC Records talent Adie (left): "Iba yung pakiramdam at pulso nang una kong makita ang bata na 'to. I feel the hunger, yung motivation niya na marinig siya ng maraming-maraming tao. Isa siya sa malulupit na artists ng OC Records."
PHOTO/S: Instagram

Mapalad ang baguhang singer na si Adrian Garcia Eugenio o Adie dahil alagang-alaga siya ng mag-asawang Kean Cipriano at Chynna Ortaleza.

Sina Kean at Chynna ang may-ari ng OC Records.

Isa si Adie sa mga discovery at talent ng OC Records. Certified hit ang kanyang single na "Paraluman" na meron nang four million streams sa Spotify.

Masuwerte rin si Adie dahil si Bela Padilla ang direktor ng music video ng "Paraluman," at si Ivana Alawi ang gumanap na Paraluman.

Continue reading below ↓

Pero ayon kay Adie, ang anak nina Cesar Montano at Sunshine Cruz na si Angelina ang inspirasyon ng kanyang kanta.

“Dati pa, nakikita ko na si Angelina sa timeline ko, pina-follow ko na siya sa social media.

"Then, parang out of nowhere, nanaginip lang na hindi ko malimutan, I was with her, typical masaya.

“Sa panaginip nag-start hanggang sa hindi ko na siya makalimutan, nagsimula na akong magsulat ng kanta.

"Ang feeling ko, may something ito kaya isinulat ko yung thoughts ko about that dream,” kuwento ni Adie tungkol sa kasaysayan ng "Paraluman."

ADIE IS A BLESSING

Para naman kina Kean at Chynna, isang biyaya na nakilala nila si Adie.

Sabi ni Kean, “We’re blessed na meron kaming mga artist na extraordinarily talented. Iba yung pakiramdam at pulso nang una kong makita ang bata na 'to.

“I feel the hunger, yung motivation niya na marinig siya ng maraming-maraming tao. Isa siya sa malulupit na artists ng OC Records.”

Continue reading below ↓

Nagbalik-tanaw rin si Kean tungkol sa unang pagtatagpo nila ni Adie.

“Last year, yung banda ko, Calla Lily, nag-announce kami ng collaboration with different songwriters. Si Adie, isa sa mga nagpasa ng songs.

"And then, nung narinig ko yung kanta, tapos nakita ko siya, sabi ko, ang laki ng potensiyal niya. Ang galing magsulat ng bata.

"Mabilis ang mga pangyayari, nag-collaborate na kami para sa career niya."

Patuloy ni Kean, “In a way, nakita ko ang sarili ko kay Adie. Yung pakiramdam na this can never go wrong because I like what I’m doing.

“Nakita ko sa kanya ‘yon na may mangyayari dito sa ginagawa natin. Seryoso siya sa art niya.

"Na ako noong bata ako, kasing-age ni Adie, seryosong-seryoso ako sa art ko.”

Tulad ni Adie, estudyante si Kean nang magsimula ang music career nito, kaya ang magtapos ng pag-aaral ang payo niya sa baguhang singer.

Hindi komportable si Adie sa sistema ng online class dahil sa pandemya kaya pansamantala siyang huminto, pero nangako itong babalikan ang pag-aaral kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon.

Continue reading below ↓

Payo ni Kean, sa kanya, “Kung kayang pagsabayin ang pag-aaral at ang music career, pagsabayin mo. Naniniwala ako na kayang gumawa ng dalawang bagay at the same time.

“I really encourage na kung may matapos ka sa school, mas maganda.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kean Cipriano on OC Records talent Adie (left): "Iba yung pakiramdam at pulso nang una kong makita ang bata na 'to. I feel the hunger, yung motivation niya na marinig siya ng maraming-maraming tao. Isa siya sa malulupit na artists ng OC Records."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results