Direk Bobot Mortiz, itinangging nag-walkout sila ni John Lloyd Cruz sa vaccination site

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2021
Direk Bobot Mortiz on walkout issue with John Lloyd Cruz: "Hindi kami nag-walkout. Ang tagal nga namin doon. Nakipagkuwentuhan pa kami, nagpakuha ng litrato na kasama niya ang lahat ng mga empleyado ng MMDA. At saka nagsalita siya tungkol sa pagpapabakuna."
PHOTO/S: @direkbobot on Instagram

Mariing itinanggi ng aktor at direktor na si Edgar Mortiz ang isyung nag-walkout diumano sila ni John Lloyd Cruz sa MMDA vaccination site kahapon, June 17.

Ayon sa lumabas na report, nag-walkout umano sila dahil tumanggi siyang makunan ng video message ang nagbabalik-showbiz na aktor.

"Hindi totoong nag-walkout kami," diin ni Direk Bobot nang makausap siya ng Cabinet Files sa cellphone ngayong Biyernes ng hapon, June 18.

“Hindi ko naipaalam kay Lloydie na hihingan siya ng video message. Hindi ko naipaalam sa kanya.

"Ang sinabi ko lang kay Lloydie, ipapa-vaccine ko siya. Ako ang nagyaya sa kanya.

"So, pagdating doon, parang nagulat ako dahil may mga naka-set up na camera.

"Sabi ko, 'Teka, huwag. Nakakahiya naman, niyaya ko siya na magpabakuna, baka sabihin niya na-trap ko siya.'

"Hindi kami nag-walkout. Ang tagal nga namin doon.

"Nakipagkuwentuhan pa kami, nagpakuha ng litrato na kasama niya ang lahat ng mga empleyado ng MMDA.

Continue reading below ↓

"At saka nagsalita siya tungkol sa pagpapabakuna.

"Hindi totoong tumanggi siya na magbigay ng video message. Kinunan siya sa cell phone lang.

"Walang nangyaring walkout, walang nangyari," giit ni Direk Bobot.

Matagal nang naturukan ng Sinovac COVID-19 vaccine si Direk Bobot.

Sinovac din ang itinurok kay John Lloyd nang magsadya ang aktor sa joint vaccination program ng MMDA, Mowelfund, at MMFF organization para sa entertainment industry workers.

Absuwelto sina Direk Bobot at John Lloyd sa walkout issue dahil mismong ang direktor na si Joey Reyes ang nagsabi sa interbyu ng PEP Troika na walang ganoong insidente na nangyari.

Kuwento ni Direk Joey sa PEP Troika, “Hindi lang sila pumayag magpa-video dahil wala raw sa usapan. That much is true .

"There was a miscommunication there. Wala raw sa usapan... so we did not shoot.

“Nandoon lang ang staff ready to shoot. There is a call to action na talking head we are preparing to edit and distribute sa social media platforms.

Continue reading below ↓

"Nag-message lang si Lloydie."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Bobot Mortiz on walkout issue with John Lloyd Cruz: "Hindi kami nag-walkout. Ang tagal nga namin doon. Nakipagkuwentuhan pa kami, nagpakuha ng litrato na kasama niya ang lahat ng mga empleyado ng MMDA. At saka nagsalita siya tungkol sa pagpapabakuna."
PHOTO/S: @direkbobot on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results