Jairus Aquino, ikinagulat ang pagka-come out ng kapwa niya Mormon na si David Archuleta

by Jojo Gabinete
Jun 18, 2021
Jairus Aquino (left) on David Archuleta (right): "If David’s happy, kung masaya ang isang tao sa isang bagay na ginawa niya, e, di maging masaya rin tayo para sa kanya. Let’s not judge other people."
PHOTO/S: Instagram

Matagal nang tapat at aktibong miyembro ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints o Mormon Church ang 22-year-old actor na si Jairus Aquino.

Ikinagulat din niya ang recent revelation ng American singer-actor na si David Archuleta na miyembro ito ng LGBTQUIA+ community.

Gaya ni Jairus, loyal at active member si David ng kanilang simbahan.

In fact, dalawang taong tinalikuran ni David ang singing career nito para maging Mormon missionary sa Chile mula March 2012 hanggang March 2014.

“Nagulat ako like most of the people. For sure, everyone was shocked with his revelation, with his admission,” reaksiyon ni Jarius nang makausap siya ng Cabinet Files isang araw bago ang official announcement na contract star na siya ng Viva Artists Agency ngayong Biyernes, June 18.

“Pero wala ako sa posisyon para manghusga ng tao.

"God provided us with freedom to choose. Yung free will natin, ang Diyos din naman ang nag-provide.

Continue reading below ↓

"So, karapatan nating pumili ng mga bagay na gusto natin para sa sarili natin.

"Wala ako sa kahit anong posisyon para husgahan si David. It’s between him and God.

"If David’s happy, kung masaya ang isang tao sa isang bagay na ginawa niya, e, di maging masaya rin tayo para sa kanya.

“Let’s not judge other people.

"Sabi nga sa Bibliya, ang Diyos mismo, ang tinitingnan Niya ang kabutihan o pangloob. Yung puso ng tao, hindi panglabas.

"Maging pantay-pantay ang tingin natin sa bawat tao. Mahalin natin yung bawat isa dahil kasama ‘yon sa mga utos ng Diyos."

Ano ang posisyon ng simbahan ninyo tungkol sa homosexuality?

Pahayag ni Jairus, “I cannot speak for the Church.

"But sabi nga ni Prophet Russel Nelson, which is the president of our Church, we are all children of God and He loves us.

“Kami sa Church, hindi namin tinitingnan yung gender, edad, personal circumstances or other challenges na meron ang isang tao.

Continue reading below ↓

"Lahat ‘yan pantay-pantay, lahat ‘yan mahal ng Diyos at lahat, tinatanggap ng aming simbahan.

“Lahat ‘yan pantay-pantay sa Diyos dahil perpekto ang Kanyang pagmamahal.

"Ang simbahan namin, as far as I know, sa mga turo sa amin, tanggap namin ang lahat ng mga tao sa buong mundo, kahit ano ka pa.

“At para sa ibang mga taong nagsasabi na bakit yung iba, hindi katulad ko na mag-isip, all I can say is, the Church is perfect, but the members are not. Iba-iba po ‘yan.

"But in general, ang talagang itinuturo at sinasabi sa amin, mahalin natin ang bawat isa regardless of who they are, kung ano ang estado nila sa buhay, edad, at sexual orientation.

"Dahil nga sa mata ng Diyos, pantay-pantay tayo."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jairus Aquino (left) on David Archuleta (right): "If David’s happy, kung masaya ang isang tao sa isang bagay na ginawa niya, e, di maging masaya rin tayo para sa kanya. Let’s not judge other people."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results