Ryan Bang nagkuwento tungkol sa ama; Jhong Hilario ipinakita ang prize sa pag-alis sa It's Showtime

by Jojo Gabinete
Jun 20, 2021
Ryan Bang bonding with his father in South Korea (left). Jhong Hilario's selfie time with daughter Sarina Oceania (right).
PHOTO/S: @ryanbang, @jhonghilario Instagram

May heartwarming story si Ryan Bang tungkol sa kanyang ama na ibinahagi niya kahapon sa Father’s Day presentation ng It’s Showtime.

Ayon kay Ryan, taxi driver sa Korea ang kanyang ama at tuwing Linggo, kasama siya sa pagpapasada dahil iyon lamang ang bonding time nila.

Ang Sunday bonding ng mag-ama ang dahilan kaya ang tatay niya ang naaalaala ni Ryan tuwing araw ng Linggo.

“Tuwing Linggo kapag bumibiyahe siya ng taxi, lagi akong katabi niya.

“Tuwing sumasakay yung pasahero sa Korea, nagpapaalam siya, ‘Ngayong araw lang po, nagba-bonding lang kami ng anak ko. Pasensya na po kayo.’

“Tuwing Linggo nami-miss ko siya kasi lagi kami kung saan-saan [pumupunta], sa taxi niya.

“So hanga ako kay Tatay ko kasi hanggang ngayon, kapag sumasakay sa taxi niya ang mga Pilipino, hindi niya tinatanggap yung bayad,” ang kuwento ni Ryan.

Samantala, araw-araw na ipinagdiriwang ni Jhong Hilario ang Father’s Day mula nang isilang ang kanyang anak na si Sarina Oceania noong March 2021.

Continue reading below ↓

“Yung araw-araw na nakikita ko siya, yung araw-araw na nakikita ko na lumalaki siya, nade-develop yung pagsasalita niya, nakikipag-usap na siya, yung nakikita na niya yung mukha ko, hinahawakan na niya yung mukha ko.

HOT STORIES

“Every day napaka-precious sa akin kaya sabi ko, siguro yung pagkawala ko sa Showtime, talagang masakit man pero yun na lang talaga ang prize ko, yung makita ko siya na lumalaki, nakikita ko na mahal na mahal niya ako kasi every time na nakikita niya ako, talagang tumatawa siya, ngumingiti siya,” sabi pa ni Jhong.

Pansamantalang hindi napapanood sa It’s Showtime si Jhong dahil mas pinahahalagahan niya ang kalusugan ng kanyang pamilya sa panahon ng coronavirus pandemic.

Walang katiyakan ang pagbabalik ni Jhong sa noontime show ng Kapamilya Network pero aminado siya na miss na miss na niya ang kanyang mga kasamahan sa It’s Showtime.

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryan Bang bonding with his father in South Korea (left). Jhong Hilario's selfie time with daughter Sarina Oceania (right).
PHOTO/S: @ryanbang, @jhonghilario Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results