Controversial "The Untold Story of Rustom Padilla" vlog ni BB Gandanghari may live stage version na

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2021
Magkaroon na kaya ng lakas ng loob si BB Gandanghari na banggitin nang buo ang pangalan ng aktor na nakarelasyon niya noon sa live stage version ng controversial vlog niyang "BB Uncut, Who Killed RP?! The Untold Story of Rustom Padilla."
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram

Magkakaroon ng live stage version ang "BB Uncut, Who Killed RP?! The Untold Story of Rustom Padilla," ang controversial vlog ni BB Gandanghari.

Pinagpistahan ng publiko ang vlog ni BB noong September 2020 dahil sa pagsisiwalat niya tungkol sa relasyon nina David at Jonathan.

Ginamit ni BB ang mga pangalang David at Jonathan para isalarawan si Rustom Padilla, ang kanyang dating pagkatao, at para maitago ang tunay na katauhan ng aktor na nakarelasyon niya.

Si BB ang narrator sa live stage version ng "BB Uncut," na may red-carpet event at anim na beses na pagtatanghal (July 17 & 31, August 14, 21 & 28) sa Lamesa Restaurant/Bar sa Covina, California.

May mga Pilipino sa Amerika na interesadong panoorin ang live performance ni BB dahil inaabangan nila kung magkakaroon na ng lakas ng loob ang transgender actress na sabihin ang pangalan ng sikat na aktor na minahal niya noong May 2001.

Continue reading below ↓

Maliban sa pangalan ng aktor, detalyadong ikinuwento ni BB sa vlog nito ang love story nila ng aktor. Kaya kailangan niya ng mga bagong impormasyon o pasabog sa kanyang upcoming stage show para magkaroon ng interes ang publiko na manood.

Ang sexy pictorial para sa publicity photos at ang mga paghahanda para sa "BB Uncut" ang mga pinagkakaabalahan ngayon ni BB.

Continue reading below ↓

BB GANDANGHARI STILL IN MOURNING

Malaking tulong ito para pansamantala niyang makalimutan ang matinding kalungkutang nararamdaman na hatid ng pagkamatay ng kanyang 16-year-old pet dog na si Imman.

Ayon kay BB, old age ang ikinamatay ni Imman na ipinangalan niya sa Somali-American supermodel na si Iman.

Halos isang buwan na ang nakalilipas mula nang bawian ng buhay si Imman noong May 27, 2021.

Labis na iniyakan ni BB ang asong kanyang nakasama sa matagal na panahon at naging loyal companion niya noong naninirahan pa sila sa Pilipinas hanggang magdesisyon siyang manirahan sa Amerika.

Noong May 30, 2021, ibinahagi ni BB sa Instagram account nito ang mga larawan ng burol ng walang buhay na si Imman, habang nakahiga ito sa kama ng transgender actress at napapalibutan ng mga bulaklak at kandila.

Continue reading below ↓

Sariwang-sariwa pa sa puso at isip ni BB ang pagkawala ni Imman na ipinagluluksa niya nang husto, kaya tumanggi siya sa alok na bagong pet dog ng isang nagmamalasakit na kamag-anak bilang kapalit ng kanyang pumanaw na alaga.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkaroon na kaya ng lakas ng loob si BB Gandanghari na banggitin nang buo ang pangalan ng aktor na nakarelasyon niya noon sa live stage version ng controversial vlog niyang "BB Uncut, Who Killed RP?! The Untold Story of Rustom Padilla."
PHOTO/S: @gandangharibb on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results