"The Pop Star Meal" ni Sarah na pantapat umano sa BTS Meal, kinagat ng ilang fans

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2021
May ilang fans na naniwalang totoo ang "The Pop Star Meal" tampok si Sarah Geronimo na pantapat diumano ng iniendorso niyang fastfood company sa BTS Meal ng rival fastfood chain nito.
PHOTO/S: Facebook

Dapat maging maingat ang ilang gullible fans ni Sarah Geronimo na agad naniwala na, tulad ng popular South Korean boy band na BTS, may collaboration meal na rin ang kanilang idolo sa iniendorso nitong fastfood chain company.

Mainit ang pagtanggap ng BTS fans sa buong mundo sa collaboration meal nito sa McDonalds.

Dahil likas na malikhain at matataba ang isip ng mga Pinoy, particularly ang mga tagahanga ni Sarah, may nakaisip gumawa ng Popstar Royalty at ng Jollibee meal na tinawag na "The Pop Star Meal,"

Binubuo ito ng Sarah Coke, Tala nuggets, at Ikot-Ikot fries na halaw ang mga pangalan mula sa hit songs ng singer-actress.

Sa biglang tingin, lehitimo ang ad na may caption na "Free delivery kahit abutin ng kilometrong layo" dahil ginamitan ito ng litrato ni Sarah, ng logo ng fastfood chain company na ipinu-promote niya, at logo ng mga delivery service app na Grab Philippines at Food Panda.

Continue reading below ↓


Agad na pinatulan ng Grab Philippines ang fan made ad dahil sa Twitter announcement nila na "Magpapa-promo code kami GRABTALA ‘pag nangyari ‘to!!!" na ikinatuwa ng fans ni Sarah na umaasang magkakaroon ng Pop Star Meal na pantapat sa BTS Meal.

Continue reading below ↓

Again, fan made lamang ang Pop Star Meal ad ni Sarah na lumabas ngayong Lunes ng hapon, June 21.

Dapat mag-ingat at maging mapanuri ang netizens para hindi sila maging biktima ng fake news dahil maraming beses nang napatunayang hindi totoo ang ilan sa mga lumalabas na impormasyon o balita sa iba’t ibang social media platforms.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May ilang fans na naniwalang totoo ang "The Pop Star Meal" tampok si Sarah Geronimo na pantapat diumano ng iniendorso niyang fastfood company sa BTS Meal ng rival fastfood chain nito.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results