Pagsusuot ng face shields mandatory pa rin dahil sa COVID-19 Delta variant

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2021
Spox Harry Roque on use of face shields: “Acting on the advice of health experts and in view of the Delta variant, PRRD declared that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory.”
PHOTO/S: Jerome Ascano (via www.reportr.world)

Naging isyu noong June 17 ang tweet ni Senate President Tito Sotto na “Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!”

Ikinagalak ito ng mga kababayan nating hindi kumportable sa pagsusuot ng face shield.

Pero ngayong Lunes ng gabi, June 21, nakatakdang magsalita si President Rodrigo Duterte sa kanyang regular televised Cabinet briefing tungkol sa patuloy na pagpapatupad ng mandatory wearing of face shield.

Una nang inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa Twitter account nito ang desisyon ng Pangulo.

Aniya, “Acting on the advice of health experts and in view of the Delta variant, PRRD declared that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory.”

Ang Delta variant ay isang uri ng COVID-19 variant na malakas makahawa. Dati itong kilala bilang B.1.617.2 o Indian variant na maraming kinitil na buhay sa India.

Continue reading below ↓

Ikinababahala ng mga eksperto sa kalusugan ang Delta variant dahil lumalaban ito sa health controls at isolation.

Higit na matindi ang sintomas ng Delta variant sa mga pasyente at mas madaling kumakalat sa mga bata.

Iniulat ng Department of Health nitong Lunes ang apat na karagdagang kaso ng COVID-19 Delta variant sa Pilipinas.

Umakyat na sa labimpito (17) ang bilang ng kaso ng naturang variant sa ating bansa na naging basehan para ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagpapatupad sa paggamit ng face shield.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Spox Harry Roque on use of face shields: “Acting on the advice of health experts and in view of the Delta variant, PRRD declared that the wearing of face shields, both indoor and outdoor, is still mandatory.”
PHOTO/S: Jerome Ascano (via www.reportr.world)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results