Unwed mother, dahilan ng hiwalayan ng aktor at karelasyon nito

by Jojo Gabinete
Jun 21, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

Isang unwed mother na showbiz personality ang mitsa ng pagkawasak ng ideal relationship ng aktor at ng itinatangi nitong babae.

Nabuo ang relasyon ng unwed mother at ng aktor sa set ng proyektong pinagsamahan nila noon.

Pero mahirap talagang magtago ng sikreto kapag kapwa mga showbiz personality ang sangkot.

Natuklasan ng karelasyon ng aktor na hindi ito tapat sa kanya.

Para makatiyak na tama ang hinala niya, gumawa siya ng sariling imbestigasyon.

Hindi nahirapan ang karelasyon ng aktor dahil mismong ang karibal niya ang umamin sa kanya at detalyadong nagkuwento tungkol sa pagtatampisaw nila sa kasalanan ng two-timer guy.

Sapat na ang masakit na katotohanang narinig ng nag-imbestigang karelasyon kaya nagdesisyon itong wakasan ang love story nila ng aktor.

Nagsisi ang aktor, pero huli na dahil hindi na niya maibalik ang tiwala ng babaeng kanyang nilinlang.

Kahit papaano, masuwerte ang aktor dahil hindi nag-eskandalo at hindi siya inilagay sa kahihiyan ng dating karelasyon.

Continue reading below ↓

Piniling manahimik ng karelasyon, sa kabila ng panloloko na ginawa sa kanya ng lalaking pinagkatiwalaan at minahal niya nang sukdulan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results