Mader Sitang ibinida ang kanyang "new face" sa Instagram

by Jojo Gabinete
Jun 22, 2021
BEFORE AND AFTER: Sumailalim sa cosmetic surgery ang Thai Internet sensation na si Mader Sitang, at kapansin-pansing nawala ang kulubot ng kanyang mukha pagkatapos maoperahan.
PHOTO/S: Facebook / Instagram

"New face" ang caption ng Thai Internet sensation na si Mader Sitang sa unang larawang inilagay niya sa kanyang Instagram account, dalawang linggo matapos niyang sumailalim sa cosmetic surgery procedure sa Lelux Hospital, Nonthaburi, Thailand.

Inilantad ni Mader Sitang sa publiko ngayong Martes, June 22, ang bagong hitsura niya na resulta ng matagumpay na operasyon.

Nawala ang mga kulubot sa mukha ni Mader Sitang, bumata ng ilang taon ang kanyang hitsura at natupad ang pangarap niyang V-shaped face. Pero halata pa rin ang pamamaga nito.

Continue reading below ↓

Biktima si Mader Sitang ng bullying noong kabataan niya dahil sa kanyang physical appearance, at isa ito sa mga dahilan kaya nagpaayos siya ng mukha.

Sa kabila ng matagumpay na cosmetic surgery kay Mader Sitang, nakakatikim pa rin ito ng mga panglilibak.

“Evolution of a Java man” ang tawag ng ibang mapanglait sa transformation niya.


Continue reading below ↓

Sumikat si Mader Sitang dahil sa kanyang signature hair-flipping dance moves na pumatok sa iba’t ibang bansa sa Asia, pati na sa Pilipinas, kaya pinaunlakan niya ang imbitasyong bumisita sa ating bansa noong October 2018.

Sadly, hindi na masisilayan nang personal ng Filipino fans ni Mader Sitang ang bagong mukha nito dahil diumano, blacklisted na siya sa Pilipinas.

Ang businessman na si Wilbert Tolentino ang humiling sa Bureau of Immigration and Deportation na ideklarang persona non grata ang popular Thai transgender woman dahil hindi nito iginalang ang kanilang napagkasunduang kontrata.

Si Tolentino ang nagdala kay Mader Sitang sa Pilipinas noong 2018, at siya ang tumatayong business manager.

Pero nasira ang kanilang relasyon dahil sa milyun-milyong pisong talent fee na hinihingi ng Thai Internet sensation.

Sa interbyu kay Tolentino noong November 2018, inamin niyang isa siya sa mga niloko at napaniwala ni Mader Sitang na abogado ito at tumulong sa mga nasalanta ni Typhoon Yolanda noong November 2013.

Continue reading below ↓

RELATED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
BEFORE AND AFTER: Sumailalim sa cosmetic surgery ang Thai Internet sensation na si Mader Sitang, at kapansin-pansing nawala ang kulubot ng kanyang mukha pagkatapos maoperahan.
PHOTO/S: Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results