Nadine Lustre posibleng ma-contempt of court kapag itinuloy ang virtual concert

by Jojo Gabinete
Jun 22, 2021
Giit ni Ferdinand Topacio, abugado ng Viva, maaaring ma-contempt of court si Nadine Lustre kapag itinuloy nito ang virtual concert sa July 3. "Pati yung mga sponsor ng concert, pwedeng madamay dahil pwede silang mademanda for tortious interference with a contract," obvious warning ng abugado sa mga sumusuporta kay Nadine.
PHOTO/S: @nadinelustre on Instagram

Noong June 15, 2021, tiniyak ni Atty. Lorna Kapunan sa pamamagitan ng isang official statement na matutuloy ang online concert ni Nadine Lustre sa Kumu Live sa July 3 dahil maghahain sila ng motion for reconsideration sa korte.

Si Atty. Kapunan ang legal counsel ni Nadine sa kasong isinampa nito sa korte para mapawalang-bisa ang kontrata niya sa Viva Artists Agency (VAA), ang talent management company na nagpasikat sa kanya.

Pero noong June 14, 2021, inilabas ng Quezon City Regional Trial Court ang desisyon na dapat igalang ng singer-actress ang kasunduan o kontrata nila.

Sa kabila ng pagpabor ng korte sa VAA, iginiit ni Kapunan na nanalo rin sila dahil ipinagkait ng korte ang hiling ng talent management agency na makuha ang mga ari-arian ni Nadine.

“The court denied Viva’s claims for attachment and garnishment of Nadine’s hard-earned earnings and her bank accounts. This is a victory for Nadine,” ani Atty. Kapunan.

Continue reading below ↓

CONTEMPT OF COURT

Self-confessed fan ni Nadine ang movie producer at celebrity lawyer na si Atty. Ferdie Topacio.

Masugid na tagahanga ni Nadine si Atty. Topacio bago pa nagpasya ang actress-singer na putulin ang talent-manager relationship niya sa VAA.

Hanggang ngayon, updated daw si Atty. Topacio sa mga nangyayari sa career ni Nadine at sa kasong kinasasangkutan nito.

Ngunit nagbabala siya agad nang malamang itutuloy pa rin ng singer-actress ang pinaplanong virtual concert.

Pahayag ni Topacio, “Contempt of court kapag itinuloy ni Nadine ang concert niya.

"Pati yung mga sponsor ng concert, pwedeng madamay dahil pwede silang mademanda for tortious interference with a contract.

"Contempt of court yun. Pwede siyang ma-fine, pwedeng makulong.

"Depende sa court kung magkano ang fine, pero pwedeng makulong si Nadine up to thirty days."

Buwelta rin ni Atty. Topacio sa sinabi ni Atty. Kapunan na may panalo sila ni Nadine dahil hindi pumayag ang korte sa garnishment ng mga ari-arian ng singer-actress na hiniling ng VAA.

Continue reading below ↓

Ayon sa abugado, "Yun ang tinatawag na spin.

"Grabeng pagkatalo yun, total defeat. Paano ka nanalo?

"Ang sinasabi ng Viva, ang contract ay valid. Ang sinasabi ni Kapunan, hindi valid ang contract. Ano ang sinabi ng court? Valid yung contract, hindi ka pwedeng gumawa ng kahit ano except for Viva at may damages ka.

"Ang hindi lang nakuha, yung garnishment, pero hindi yun nangangahulugang hindi na magbabayad si Nadine ng damages. Babayaran pa rin niya yun.

“Even yung damages, magbabayad pa rin siya. At kapag hindi siya nagbayad, properties pa rin niya ang kukunin, so same thing.

"Nandoon ‘yan sa Rules of Court, sa Rule 36," paliwanag ni Topacio tungkol sa mga posibleng mangyari kapag itinuloy ni Nadine ang virtual concert nito sa susunod na buwan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Giit ni Ferdinand Topacio, abugado ng Viva, maaaring ma-contempt of court si Nadine Lustre kapag itinuloy nito ang virtual concert sa July 3. "Pati yung mga sponsor ng concert, pwedeng madamay dahil pwede silang mademanda for tortious interference with a contract," obvious warning ng abugado sa mga sumusuporta kay Nadine.
PHOTO/S: @nadinelustre on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results