Mayor Isko Moreno nanindigang di na kailangang magsuot ng face shield

by Jojo Gabinete
Jun 22, 2021
Ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno na tanggapin sa vaccination site sa Robinson's Place Manila ang mga walk-in client na nais magpaturok ng COVID-19 vaccine, kahit hindi sila naninirahan sa Maynila.
PHOTO/S: Facebook

Iginagalang ni Manila Mayor Isko Moreno ang desisyon ni President Rodrigo Duterte na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng sapilitan o mandatory na pagsusuot ng face shields bilang proteksiyon laban sa coronavirus.

Pero kung si Mayor Isko ang tatanungin, hindi na ito kailangan.

Sinabi ni Mayor Isko na hindi lahat ng mga kababayan natin ay may perang pambili ng face shield.

Ayon umano sa mga eksperto, protektado laban sa COVID-19 ang mga gumagamit ng face mask o ng face shield, pero pareho lamang ang porsiyento ng ibinibigay nitong proteksiyon kapag magkasabay na isinuot.

Natutuwa si Mayor Isko dahil pinatotohanan ni Dr. Edsel Salvana, head ng Institute of Molecular Biology and Biotechnology ng National Institutes of Health, ang kanyang pag-aaral na ginawa tungkol sa paggamit ng face shield.

Idinagdag din ng Manila mayor na hindi makabubuti sa kalikasan ang mga face shield na plastic ang materyal na magiging basura lamang pagdating ng araw.

Continue reading below ↓

DONATION FROM GUANGZHOU

Sinabi ni Mayor Isko ang opinyon nito tungkol sa mandatory wearing of face shields nang tanggapin niya sa Manila City Hall nitong Martes ng hapon, June 22, ang school supplies na nagkakahalaga ng anim na milyong piso para sa sampung libong mag-aaral ng mga public school. Bigay ito ng Guangzhou City, China at ng Anvil Business Club.

Ayon kay Mayor Wen Guohui ng Guangzhou, ang donasyon sa Maynila ng siyudad na kanyang pinamumunuan ang simbolo ng kanilang pagkakaisa at pagkakaibigan.

Sister city ng Maynila ang Guangzhou sa southern China, na nagbigay rin kay Mayor Isko ng medical supplies nang magsimula ang pandemic lockdown noong March 2020.

Ang writer at businessman na si Wilson Lee Flores ang chairman ng Anvil Business Club.

Inihayag ni Flores na ang mga donasyon ng Guangzhou City at Anvil Business Club ang kontribusyon nila para sa kinabukasan ng Maynila at ng mga kabataan nito, pati na sa 450th anniversary ng lungsod na gugunitain sa June 24, 2021.


WALK-IN VACCINATION

Samantala, personal na nagsadya si Mayor Isko sa vaccination site sa Robinson’s Place Manila kahapon, June 21, dahil nalaman niyang kakaunti lamang sa mga residente ng Maynila na nagparehistro at humingi ng appointment ang sumipot para magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Ipinag-utos ni Moreno na tanggapin sa vaccination site ang mga walk-in client na nais magpaturok ng COVID-19 vaccine, kahit hindi sila naninirahan sa Maynila.

Continue reading below ↓

Nang makausap ng Cabinet Files si Mayor Isko noong June 12, sinabi niya na welcome na magpabakuna sa Maynila ang non-residents dahil sa kanyang katwirang para sa lahat ang COVID-19 vaccines.

Ikinuwento ni Mayor Isko na kinausap niya ang mga senior citizen na naiinip pumila sa mga vaccination site na huwag mabagot dahil nagawa nga nating maghintay ng isang taon at tatlong buwan para sa pagdating ng COVID-19 vaccine, kaya balewala ang dalawa hanggang tatlong oras na pila para maturukan.

Binanggit ni Mayor Isko ang pagkakaroon niya ng "good problem" dahil gusto ng lahat ng mga Manileño na magpabakuna pero ang vaccine ang kulang.

Sa kabila ng kanyang good problem, desidido si Mayor Isko na matupad ang kanyang pinapangarap na herd immunity sa Maynila sa September 2021, na tiyak na mangyayari kung sapat umano ang supply ng COVID-19 vaccine.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinag-utos ni Mayor Isko Moreno na tanggapin sa vaccination site sa Robinson's Place Manila ang mga walk-in client na nais magpaturok ng COVID-19 vaccine, kahit hindi sila naninirahan sa Maynila.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results