Pag-iwan sa ere ni Scottie Thompson sa ex-fiancée na si Pau Fajardo, ikinagulat ng common friend; Scottie nagsalita na sa isyu?

by Jojo Gabinete
Jun 23, 2021
Isang Cabinet Files source na malapit kina Scottie Thompson at Pau Fajardo ang nagsalita tungkol sa biglaang hiwalayan ng engaged couple: "Matagal na nagsama sa iisang bahay sa Las Piñas sina Pau at Scottie... Si Pau, napamahal na sa fans dahil napakabait talaga ng babaeng ‘yon. Palagi lang nakangiti. Parang inapi siya nang husto kaya marami ang nakikisimpatiya at nagtatanggol sa kanya."
PHOTO/S: Scottie Thompson Instagram

Hot topic pa rin sa social media at sa basketball fans ang biglaang pagpapakasal ng Barangay Ginebra player na si Scottie Thompson sa stewardess na si Jinky Serrano.

Ito ay dahil noon lamang New Year’s Eve ay inalok niya ng kasal ang longtime girlfriend at social media personality na si Pauline "Pau" Fajardo.

Hindi makapaniwala ang common friends nina Scottie at Pau sa bilis ng mga pangyayari, at ikinagulat din nila na si Jinky ang pinakasalan ng controversial PBA player.

Isang malapit na kaibigan nina Scottie at Pau ang personal na nakausap ng Cabinet Files.

Kuwento ng source, magkasama pang nagpunta sa Davao sina Scottie at Pau pagkatapos ng PBA bubble noong first quarter ng 2021.

Kaya palaisipan sa kanila ang whirlwind romance nina Scottie at Jinky na humantong sa kasalan noong unang linggo ng Hunyo.

"Napakabait, napakatahimik, at napaka-simple ni Pau. Hindi mo iisipin na gagawa siya ng kalokohan," pahayag ng Cabinet Files informer.

Continue reading below ↓

Nasubaybayan ng informer ang love story nina Scottie at Pau na tumagal ng walong taon kaya kasal na lang sana talaga ang kulang sa pagsasama ng dalawa.

"Matagal na nagsama sa iisang bahay sa Las Piñas sina Pau at Scottie," patuloy na kuwento ng aming source.

"Nagri-reach out si Pau sa mga kaibigan nila ni Scottie para maayos ang problema nila.

"Pinag-aayos sila, pero parang ayaw ni Scottie."

SCREENSHOT OF SCOTTIE'S DELETED FACEBOOK POST

Kumalat ngayon sa social media ang diumano’y Facebook post ni Scottie na binura agad, pero marami pa rin ang nakakuha ng screenshot.

Narito ang kabuuan ng viral Facebook post na iniuugnay kay Scottie:

"2 months na kaming hiwalay kita niyo nang deleted na mga pic bawat isa samin. Bawal bang may privacy?

"Gusto manahimik ng tao nangingialam kayo. Buhay niyo ba to? Okay sige. Dahil ito gusto niyo para matapos na.

"Sa mga nagtatanong at sa mga gumawa pa mga dummy account thank you sa effort niyo alam ko ito lang gusto niyo marinig at gusto niyo trending kayo.

Continue reading below ↓

"AKO REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI NG LAHAT.

"Mas masarap sundin yung puso natin kung saan masaya. Alam ko ito gusto niyong marinig. Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato niyo sakin.

"Sa mga gumawa ng dummy account ilabas niyo na gusto niyong ilabas. Andito buhay niyo sa social media eh kasi wala kayong buhay sa labas."


Continue reading below ↓

SOURCE asks: did scottie really write that post?

Kinumpirma ng Cabinet Files informant na totoong lumabas sa Facebook page ni Scottie ang naturang pahayag.

Pero duda sila na ang 27-year-old basketball player ang nagsulat ng mensahe para sa kanyang detractors.

"Hindi ganyan mag-post si Scottie kaya ang paniniwala namin, ibang tao at hindi siya ang gumawa ng deleted FB post," sabi ng source.

Dagdag nito: "May isyu ring buntis na si Jinky kaya pinakasalan siya ni Scottie, pero hindi namin alam kung totoo.

"Biglang-bigla talaga ang pagpapakasal niya, ilang buwan pa lang silang magkakilala.

"May mga social media post din ang kapatid ni Scottie, parang si Pau ang pinatatamaan nila."

Sa huli, hindi maitago ng source ang simpatiya para kay Pau.

"Si Pau, napamahal na sa fans dahil napakabait talaga ng babaeng ‘yon. Palagi lang nakangiti.

"Parang inapi siya nang husto kaya marami ang nakikisimpatiya at nagtatanggol sa kanya."

Bumuhos ang simpatiya ng publiko para kay Pau dahil sa paniniwala na ang dalaga ang naagrabyado at naapi nang husto.

Continue reading below ↓

May mga tagahanga si Scottie na tinalikuran ito dahil nadismaya raw sila sa naging trato nito kay Pau.

May fans ding gumawa ng video na nilapatan ng "Paubaya," ang makabagbag-damdamin at hugot song ni Moira dela Torre.

Akmang-akma raw ang lyrics sa karanasan ni Pau na nauna sa buhay ni Scottie pero hindi siya ang naging wakas.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang Cabinet Files source na malapit kina Scottie Thompson at Pau Fajardo ang nagsalita tungkol sa biglaang hiwalayan ng engaged couple: "Matagal na nagsama sa iisang bahay sa Las Piñas sina Pau at Scottie... Si Pau, napamahal na sa fans dahil napakabait talaga ng babaeng ‘yon. Palagi lang nakangiti. Parang inapi siya nang husto kaya marami ang nakikisimpatiya at nagtatanggol sa kanya."
PHOTO/S: Scottie Thompson Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results