Watch Now

Pamilya Aquino, hindi pa naglalabas ng official statement sa pagpanaw ni former President Noynoy Aquino

by Jojo Gabinete
Jun 24, 2021
Hinihintay pa rin ng publiko ang paglabas ng official statement mula sa Aquino family kaugnay ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Binawian ng buhay si PNoy kaninang umaga, June 24.
PHOTO/S: File photo

Inaasahang maglalabas ng official statement ang Aquino family tungkol sa pagpanaw ni former Philippine President Benigno "Noynoy" Aquino naihatid na ang bangkay nito sa The Heritage Park, Taguig City.

Ang opisyal na pahayag ng pamilya Aquino ang hinihintay ng publiko mula nang makumpirma ang balitang binawian ng buhay ang dating Pangulo sa Capitol Medical Center, ang ospital na pinakamalapit sa tahanan niya sa Times St. West Triangle, Quezon City.

Isinara kanina sa mga motorista ang Scout Magbanua Street entrance ng ospital dahil sa mga personalidad na dumarating at sa mga miyembro ng media na nag-abang sa sinuman sa miyembro ng Aquino family na maaaring magsalita tungkol sa pagpanaw ng dating Pangulo.

Si former Senator Mar Roxas at si Senator Francis Pangilinan ang ilan sa mga dumating sa Capitol Medical Center, pero nabigo ang mga reporter na makuha ang kanilang mga pahayag.

Dire-diretso sina Roxas at Pangilinan sa mga sasakyan nila nang lumabas sila mula sa ospital, sa kabila ng pagharang sa kanila ng mga mamamahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakabantay rin ang mga miyembro ng media sa harap ng tahanan ni Aquino sa Times Street kaya nakunan nila ng video ang pagdating ni Joshua Aquino, ang pamangkin na malapit na malapit sa puso ng namayapang ex-President.

OGIE'S BLACK SCREEN

Sa mga showbiz personality, si Ogie Alcasid ang unang nag-post sa kanyang Facebook page ng "black screen" na simbolo ng pagluluksa dahil may namatay. Pero binura niya ito.

Nang makumpirma ang balita tungkol sa pagkawala ni Aquino, humingi ng paumanhin si Ogie tungkol sa kanyang black screen post.

“Pasensya na at nag-black screen ako kanina pero naalala ko na wala pa palang nakakaalam at wala pang anunsyo tungkol kay Pnoy.

“Paalam sir Pnoy, paalam. Magpahinga ka sa mga mapagmahal na bisig ng ating Panginoon.Lubos na pakikiramay sa kanyang mga naiwan.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RELATED STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hinihintay pa rin ng publiko ang paglabas ng official statement mula sa Aquino family kaugnay ng pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Binawian ng buhay si PNoy kaninang umaga, June 24.
PHOTO/S: File photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results