Top radio personalities maingat sa pagbabalita ng pagkamatay ni ex-President Noynoy Aquino

by Jojo Gabinete
Jun 24, 2021
Hindi agad kinumpirma ng ilang top radio personalities ang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil hinintay pa nila ang opisyal na pahayag ng miyembro ng pamilya Aquino.
PHOTO/S: File photo

Kalat na sa social media ang balita tungkol sa pagpanaw ni former President Benigno "Noynoy" Aquino bago sumapit ang alas-nuwebe ng umaga nitong Huwebes, June 24.

Pero naging maingat sa pagbabalita si Noli de Castro ng Teleradyo at sina Mike Enriquez, Arnold Clavio, at Connie Sison ng DZBB tungkol sa tunay na kalagayan ng dating pangulo ng Pilipinas.

Ito ay bilang respeto sa kanya at sa pamilyang naulila nito.

Isinugod si Aquino sa Capitol Medical Center ang report ni Noli, at ganito rin ang paulit-ulit na pahayag ni Mike sa morning radio program nito sa DZBB.

Pero wala silang binanggit na binawian na ng buhay ang ex-Philippine president.

“May mga sinusunod na protocol,” paliwanag ni Arnold, na nakatanggap ng mga sunud-sunod ng text messages mula sa kanilang listeners dahil hindi nila ibinabalita ni Connie ang pagpanaw ni Aquino.

Sabi pa ni Arnold, “Ang aming DZBB desk, e, may nakausap na dating Gabinete [cabinet member] ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Continue reading below ↓

"Hinihintay nila yung opisyal na anunsiyo ng pamilya, actually tatlong dating cabinet members ito.

"Ang mahirap po, ang dami na rin pinatay sa social media, buhay pa ho hanggang ngayon.

"Ang daming pinatay na mga kilalang personalidad, talaga naman nakakagalit yung iba.

"Kapag buhay ho ang pinag-usapan, kahit mamayang hapon pa namin ibalita ‘yan, basta makumpirma lang ng pamilya.

"Hindi ho unahan ito pagdating sa ganyang isyu at, minsan, may tinatawag tayong baka brain dead o baka naman, patay na, nire-revive, nabuhay uli.

“Binibigyan namin kayo ng update, pero yung mismong kumpirmasyon, di bale nang mahuli, bahala na ang pamilya nila.

"Basta kami, ang pagiging responsable ang pangunahin namin po dito."

Naranasan na rin noon ni Arnold na "patayin" sa social media, gaya nina Dolphy, Jose Manalo, at maging ni PNoy, pero napatunayang mga biktima lamang sila ng fake news.

Ganap na 9:45 a.m. nang ibalita nina Connie at Arnold ang pagpanaw ni PNoy dahil kinumpirma na ito ng isang miyembro ng pamilya Aquino.

Continue reading below ↓

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi agad kinumpirma ng ilang top radio personalities ang pagpanaw ni dating Pangulong Noynoy Aquino dahil hinintay pa nila ang opisyal na pahayag ng miyembro ng pamilya Aquino.
PHOTO/S: File photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results