Watch Now

Juan Ponce Enrile, 97, nakiramay sa "untimely demise" ni PNoy sa edad na 61

by Jojo Gabinete
Jun 24, 2021
Former Senate President Juan Ponce Enrile on former President Noynoy Aquino's death: "We will pray for him as he travels to his final resting place in eternity. May God bless him and be with him all the way to his eternal resting place."
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

Trending ngayon sa social media ang balita tungkol sa pagpanaw ni former Philippine President Benigno "Noynoy" Aquino, pero marami ang nagtataka dahil trending din ang pangalan ni dating Senator Juan Ponce Enrile.

Ang 97-year-old former Senate President ang isa sa mga nagpahatid ng pakikiramay sa Aquino family dahil sa pagyao ng dating Pangulo sa edad na 61.

Ito ang mensahe ni Enrile sa kanyang personal Facebook page:

“My family and I extend our condolence to the sisters, relatives, friends, and supporters of former President of the Philippines, Benigno "Noynoy" C. Aquino, for his untimely demise.

"We will pray for him as he travels to his final resting place in eternity. May God bless him and be with him all the way to his eternal resting place."

Isang follower ni Enrile ang nagkomento na “No such thing as' untimely' demise. Everyone has their pre-destined time to leave this world."

Sinagot ni Enrile ang pagtutuwid na ginawa ng kanyang follower.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, “He was too much young compared to me to die that soon. That was what I meant. Thank you.”

Matagal nang sentro ng mga biruan at memes si Enrile na malakas, masigla, at matalas pa rin ang memorya sa edad na 97.

May mga haka-haka na trending ngayon sa Twitter at popular search sa Facebook ang pangalan ni Enrile dahil sa pagkamatay ni Aquino na higit na mas bata sa kanya.

"Immortal " ang tingin kay Enrile ng ibang Pilipino kaya inihahanay siya kina Cardo Dalisay at Vincenzo.

Pero malaki ang pagkakaiba nila dahil mga kathang-isip lamang ang mga walang kamatayang karakter nina Coco Martin (Cardo Dalisay) at Song Joong-ki (Vincenzo) sa telebisyon, samantalang buhay na buhay at totoong tao ang nonagerian politician.

Bilang patunay na hindi pikon ang pamilya ni Enrile, mismong ang anak niyang si Katrina ang nagbiro nang bumati ito sa kanya ng Happy Father’s Day noong June 20, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nito: “Dad, totoo ba na ikaw ang unang nag-greet ng 'Happy father’s day' kay Noah pagbaba niya ng Ark?”

In honor of President Aquino, Summit Books is sharing Dream Big Books' "Ninoy, Cory and Noynoy" written by Yvette Fernandez and illustrated by Abi Goy as a FREE ebook for the next two weeks. Download it here: bit.ly/SBFreeNinoyCoryNoynoyBook

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Former Senate President Juan Ponce Enrile on former President Noynoy Aquino's death: "We will pray for him as he travels to his final resting place in eternity. May God bless him and be with him all the way to his eternal resting place."
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results