Bagong single ng This Band mapantayan kaya ang kasikatan ng "Kahit Ayaw Mo Na?"

by Jojo Gabinete
Jun 25, 2021
This Band, who sang the hit "Kahit Ayaw Mo Na," releases their new song "Wala Kang Magagawa."
PHOTO/S: Viva Records

Ngayon Biyernes, June 25, ang 49th birth anniversary ng comedian na si Chokoleit.

Binawian ng buhay si Chokoleit dahil sa heart attack habang nagtatanghal siya sa Kawayan Festival ng Bangued, Abra, noong March 9, 2019.

Ang phenomenal hit song na "Kahit Ayaw Mo Na"—na meron nang 103 million streams sa Spotify sa kasalukuyan—ang inawit ni Chokoleit sa huling pagtatanghal nito kaya lalong nagmarka sa publiko ang kantang pinasikat ng This Band.

“Thankful pa rin kami kasi kahit na ano man ang mga nangyari, kilala at napapakinggan pa rin ang songs namin,” sabi ni Andrea Manzano, ang lone female vocalist ng This Band tungkol sa hit song nilang huling inawit ni Chokoleit bago ito binawian ng buhay noong March 2019.

Hindi lamang sa Pilipinas popular ang "Kahit Ayaw Mo Na" dahil sikat na sikat din ito sa Japan.

Dati-rati, ang mga Filipino music writer and composer ang gumagawa ng Tagalog version ng mga Japanese hit song tulad ng "Lumayo Ka Man sa Akin" ni Rodel Naval, "Remember Me" ni Renz Verano, "Isang Tanong Isang Sagot" ni Donna Cruz, "Sana’y Laging Makapiling" ng April Boys, "Nais Ko" ni Miguel Vera, "Itanggi Mo" ni Sharon Cuneta, at marami pang iba.

Continue reading below ↓

Ngayon, may mga Japanese version ang "Kahit Ayaw Mo Na" na inawit ng iba’t ibang Japanese singers.

Patunay ito sa tagumpay ng hit single ng This Band, na may bagong kanta, ang "Wala Ka Nang Magagawa."

Ang bago nilang kanta ay tungkol naman sa self-love at may mensaheng huwag nang balikan ang mga taong nanakit ng damdamin.

Naglabas din ng album ang Viva Records at ang This Band sa panahon ng coronavirus pandemic, ang Huwag Matakot.

“First time naming magkaroon ng album. Ang Huwag Matakot para sa mga tao na natatakot sa sasabihin ng iba. Sinasabi sa kanta na piliin mong maging masaya,” sabi ni Andrea.

May sagot si Andrea sa mga nagtatanong kung mapapantayan ng "Wala Ka Nang Magagawa" ang tagumpay ng "Kahit Ayaw Mo Na."

Sabi niya, “Nagre-release kami ng songs dahil ito talaga ang gusto namin. Hindi namin iniisip na dapat mag-top ‘yan tulad ng 'Kahit Ayaw Mo Na.'

Continue reading below ↓

“Yung mga song na isine-share namin, no pressure. Isine-share lang namin sa ibang mga tao ang aming feelings.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This Band, who sang the hit "Kahit Ayaw Mo Na," releases their new song "Wala Kang Magagawa."
PHOTO/S: Viva Records
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results