Fake news alert: Jimmy Santos, di totoong naghihirap at nagbebenta ng karne sa palengke

by Jojo Gabinete
Jun 29, 2021
Pinabulaanan ni Willie Revillame ang balitang tinulungan niya ang comedian na si Jimmy Santos (nasa larawan) dahil naghihirap na raw ito. Ayon kay Willie, "Hindi totoo ‘yan, fake news ‘yan."
PHOTO/S: Screen grab from Jimmy Saints YouTube channel

Fake news ang balitang naghihirap na si Jimmy Santos.

Ayon sa mga kumalat na balita, nagtitinda na lamang ang komedyante ng karne sa isang wet market sa Angeles City, Pampanga.

Ito raw ang dahilan kaya tinulungan siya ng Wowowin host na si Willie Revillame, na nagbigay sa kanya ng isang sasakyan at sariling fruit stand para hindi na mamasukan bilang meat vendor ang veteran comedian at former Eat Bulaga! co-host.

Nagkalat sa YouTube ang mga video tungkol sa diumano’y mahirap na pamumuhay ni Jimmy na kagagawan ng netizens na hindi nag-aksaya ng panahong mag-fact check.

Nangibabaw ang hangarin nilang kumita ng pera, kahit malinaw na panloloko ng kapwa ang kanilang ginawa.

Marangal na trabaho ang pagtitinda sa palengke at hindi ito sukatan ng estado sa buhay kaya marami ang nagalit sa kumalat na fake news tungkol kay Jimmy.

Kumpirmadong walang katotohanan ang balitang pinaniwalaan ng ilan dahil itinanggi ni Willie ang isyu nang makausap siya ng Cabinet Files ngayong Martes ng umaga, June 29, 2021.

Continue reading below ↓

Sabi ng TV host, “Actually, it’s not true. Fake news ‘yan.

"Hindi ko naman nakakausap si Tito Jimmy at wala akong itinulong sa kanya. Hindi totoo ‘yan, fake news ‘yan.”

Nadawit din sa isyu ang mga pangalan nina Vic Sotto, Senate President Tito Sotto, at President Rodrigo Duterte dahil ibinalita ring tumulong umano sila nang malaman nila ang sitwasyon ngayon ni Jimmy.

Diumano, binigyan ni Vic ng bahay at sasakyan si Jimmy nang makarating sa kanya ang kalagayan ng dating co-host niya sa Eat Bulaga.

Pero ang paglilinaw na ginawa ni Willie ang instrumento para lumabas ang katotohanang fake news ito at marami sa mga kababayan natin ang naging biktima dahil agad na naniwala.

Ang mga larawan naman ni Jimmy na nasa palengke at nagtitinda ng karne ay kuha sa kanyang YouTube vlog, kung saan sinubukan niyang maging meat vendor.

Paulit-ulit ang payo sa lahat na mag-ingat at maging mapanuri sa lahat ng mga nababasa at napapanood na video sa iba’t ibang plataporma ng social media para makaiwas sa fake news.

Continue reading below ↓

Pero marami pa rin ang nagiging biktima dahil habang tumatagal, nagiging maparaan at agresibo ang mga nagkakalat ng mga maling balita.

MORE CABINET FILES STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinabulaanan ni Willie Revillame ang balitang tinulungan niya ang comedian na si Jimmy Santos (nasa larawan) dahil naghihirap na raw ito. Ayon kay Willie, "Hindi totoo ‘yan, fake news ‘yan."
PHOTO/S: Screen grab from Jimmy Saints YouTube channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results