Si Bea Alonzo ba ang award-winning actress na magiging bagong Kapuso?

by Jojo Gabinete
Jun 29, 2021
Base sa announcement ng GMA Network tungkol sa "award-winning actress" na magiging Kapuso na, tila ang tinutukoy rito ay ang dating Kapamilya star na si Bea Alonzo.
PHOTO/S: @gmanetwork on Instagram / @bea alonzo on Instagram

Inilabas ng GMA-7 ngayong Martes, June 29, ang intriguing teaser tungkol sa award-winning actress na malapit nang maging Kapuso.

“AN AWARD-WINNING ACTRESS WILL SOON BE A KAPUSO!” ang no-brainer teaser ng GMA Network Inc.

Si Bea Alonzo ang hula ng karamihan sa identity ng aktres na malapit nang maging miyembro ng Kapuso Network.

Continue reading below ↓

No-brainer ito dahil makikita sa teaser ang naghuhumiyaw na hint na "BE A KAPUSO."

Nagsimula ang mga espekulasyong lilipat si Bea sa GMA Network dahil sa pelikulang gagawin nila ni Alden Richards, ang A Moment to Remember.

Philippine adaptation ito ng 2004 South Korean movie na halaw mula sa 2001 Japanese television series na Pure Soul.

Co-production venture ng Viva Films at GMA Pictures, ang movie company ng GMA Network Inc., ang A Moment to Remember na sisimulan ang principal photography sa susunod na buwan.

Noong nakaraang buwan, kumalat ang balitang may negosasyong nagaganap sa pagitan ng kampo ni Bea at ng GMA-7 management. Pero hindi ito nagkaroon ng kumpirmasyon dahil tahimik ang magkabilang-panig.

Ikinalungkot ng ilang mga empleyado ng ABS-CBN ang paglutang ng balita tungkol sa posibilidad na paglipat ni Bea sa GMA-7.

Nangangahulugan kasi ito ng tuluyan nang pag-alis ng aktres mula sa mother studio nito na nagpasikat sa kanya at naging pangalawang tahanan buhat nang magsimula ang showbiz career niya noong 2001 bilang miyembro ng Star Circle Batch 10.

Continue reading below ↓

If ever, si Bea ang ikalimang miyembro ng Star Circle Batch 10 na lilipat sa GMA-7. Nauna nang naging Kapuso sina Nadine Samonte, Karel Marquez, Dennis Trillo, at Quezon City District V House Representative Alfred Vargas.


HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Base sa announcement ng GMA Network tungkol sa "award-winning actress" na magiging Kapuso na, tila ang tinutukoy rito ay ang dating Kapamilya star na si Bea Alonzo.
PHOTO/S: @gmanetwork on Instagram / @bea alonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results