Mark Anthony Fernandez, napansin ang malaking pagbabago sa ugali ni Claudine Barretto

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2021
Ex-couple Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto, balik-tambalan sa suspense-thriller movie na Deception.
PHOTO/S: YouTube / Instagram

Nakaranas ng separation anxiety si Mark Anthony Fernandez nang matapos ang lock-in shooting ng Deception dahil na-miss niya ang kanyang mga katrabaho.

Ang Deception ang suspense-thriller reunion movie ni Mark at ng kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Excited si Mark sa muling pagtatambal nila ni Claudine sa pelikula dahil mahigit isang dekada na ang nakalilipas buhat nang magsama sila sa "A Love Story" episode ng Claudine, na ipinalabas noong August 7, 2010.

Ang Claudine ang drama anthology ni Claudine nang lumipat siya sa GMA-7 noong 2010.

Ayon kay Mark, memorable ang pagkikita nila ni Claudine sa set ng Deception noong June 11, 2021 dahil magaganda ang kanilang mga eksena.

Bago nagsimula ang shooting ng Deception, nagsalita si Mark ng “Love is lovelier the second time around” kaya may mga nag-akalang magkakabalikan sila ng dating karelasyon.

Walang naganap na reconciliation pero napansin ni Mark ang malaking pagbabago sa ugali ni Claudine sa ilang araw na pagsasama nila sa lock-in shooting ng kanilang pelikula.

Continue reading below ↓

Sabi ni Mark, “Ang gustung-gusto ko kay Claudine, naging independent woman siya, yun ang napansin ko. Parang mas lumawak yung pag-iisip niya.

“Wala kaming masyadong free time during the shooting pero nagkukuwentuhan kami.”

Malaki ang pasasalamat ni Mark sa direktor ng Deception na si Joel Lamangan dahil ginabayan nito ang aktor sa lahat ng mga eksena.

Saad niya, “Yung role ko, maraming emosyon, maraming karakter na ipinapakita. Ito ang most challenging role ko for 2021.

“Mahirap na masaya ang role. Parang yung nagpapamasahe ka, masakit pero masarap. Parang kapag may tiyaga, may nilaga.

“Gustung-gusto ko ang ending, saka yung script na isinulat ni Direk Joel.

“Medyo nanibago ako nang konti kay Direk Joel dahil may konting pressure. Partikular siya sa mga eksena. Pero Joel Lamangan is Joel Lamangan.

“May part na sinabi ni Direk Joel, ‘Mark, kailangan mong umiyak sa parte na’to. Super first tsamba, nagawa ko naman.

"Naramdaman ko yung script niya. Talagang pursigido ako."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ex-couple Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto, balik-tambalan sa suspense-thriller movie na Deception.
PHOTO/S: YouTube / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results