Acting ni Rob Gomez sa A Girl + A Guy, pinuri ng uncle niyang si Gary Estrada; Alexa Miro, palaban sa hubaran

by Jojo Gabinete
Jun 30, 2021
Rob Gomez and Alexa Miro with their co-stars in A Girl + A Guy.

Ang mag-asawang Gary Estrada at Bernadette Allyson ang isinama ni Rob Gomez sa special screening ng A Girl + A Guy ng UPSTREAM Original, ang launching movie nila ni Alexa Miro na mula sa direksyon ni Erik Matti.

Tiyo ni Rob si Gary dahil kapatid ito ng kanyang ina na si Kate Gomez.

“Marunong ka pala umarte,” reaksiyon ni Gary nang mapanood niya ang unang pelikula ni Rob, na ikinatuwa naman nang husto ng baguhang aktor.

Masayang-masaya si Rob sa suportang natanggap niya mula kay Gary at sa opinyon ng mga nanood sa A Girl + A Guy na para sa isang baguhan, talagang mahusay ang kanyang performance.

Si Alexa ang leading lady ni Rob sa A Girl + A Guy, at ang pagbibida niya sa pelikula ang katuparan ng kanyang pangarap maging artista.

Limang taon si Alexa nang sumali siya sa Munting Miss U, ang beauty pageant ng defunct noontime show ng ABS-CBN na MTB (Magandang Tanghali Bayan).

Continue reading below ↓

Noon pa man, ambisyon na ni Alexa pumasok sa showbiz.

Sa mga baguhang sexy star sa kasalukuyan, si Alexa ang pinakamapangahas dahil matapang niyang ginawa ang mga frontal nudity scene sa A Girl + A Guy na importante sa kuwento ng pelikula.

Unfortunately, nag-leak na sa Internet ang litrato ng beach scene ni Alexa at ng Spanish actor na si Emilio Francisco, na hindi rin nagdalawang-isip gawin ang frontal nudity scene.

Co-stars nina Rob at Alexa sa A Girl + A Guy ang newcomers na sina Sarah Holmes, Pau Benitez, Rosh Barman, Carlo Tarobal, Chloe Reyes, Shaun Salvador, at Miss Philippines Eco Tourism 2012 Candice Ramos na matatapang ding naghubad sa kanilang mga eksena.

Ikinuwento ni Candice sa kanyang ina na may sexy scenes siya sa A Girl + A Guy, pero wala ang nanay niya sa special screening.

Nag-aalala si Candice na baka hindi niya "ma-manage" ang emosyon ng kanyang ina kapag nakita nito ang kanyang mga eksena.

Continue reading below ↓

Sinabi ni Candice na tapos na ang pageant journey niya kaya hindi na ito maaapektuhan ng kanyang mga daring scene sa A Girl + A Guy, na nag-umpisa ang streaming sa UPSTREAM.ph noong June 24 at patuloy na napapanood sa naturang streaming site.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rob Gomez and Alexa Miro with their co-stars in A Girl + A Guy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results