Paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7 hindi tanggap ng ibang fans

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2021
Nakatakda ngayong Huwebes ng hapon, July 1, ang announcement ng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram

Today is a BEAutiful day para sa true and loyal fans ni Bea Alonzo.

Ito ay dahil mag-uumpisa sa unang araw ng July 2021 ang bagong kabanata sa showbiz career ng aktres na kanilang iniidolo.

Isang mainit na pagsalubong kay Bea bilang bagong Kapuso ang magaganap ngayong hapon, 4 p.m., base sa pangalawang teaser na may caption na “One of the biggest artists in Philippine showbiz will BE A Kapuso” na inilabas ng GMA Network kahapon, June 30.

Continue reading below ↓

May mga tagahanga si Bea na nabigla sa desisyon nitong lumipat sa GMA-7, mula nang ipakilala siya noong 2001 bilang isa sa mga miyembro ng Star Circle ng ABS-CBN, dahil hindi nila matanggap na iiwanan niya ang kanyang mother studio makalipas ang dalawang dekada.

Nagbanta silang hindi na susuportahan ang acting career ng aktres.

May mga nagbanta ring cancelled o hindi na nila susubaybayan ang mga social media account ni Bea.

Tanggap naman ng true and loyal fans ni Bea ang paglipat ng kanilang idolo sa Kapuso Network dahil sa simpleng katwiran na kailangan ng aktres maghanapbuhay para sa pamilya niya.

Sa opisyal na pagpapakilala sa kanya ngayong hapon bilang bagong Kapuso, inaasahang sasagutin ni Bea ang lahat ng mga tanong tungkol sa kanyang major decision na lumipat sa GMA-7 at ang mga proyektong gagawin niya sa bagong tahanan.

At para sa mga mali ang pagkakaintindi, network contract ang pipirmahan ni Bea.

Continue reading below ↓

Walang katotohanan ang kanilang paniniwalang magiging contract star siya ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network.

RELATED STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakatakda ngayong Huwebes ng hapon, July 1, ang announcement ng paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network.
PHOTO/S: @beaalonzo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results