Kim Molina feeling 25 lang kahit 30 years old na

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2021
Kim Molina's wish on her 30th birthday: "Ang makapagpa-vaccine na po ang lahat! Yun po talaga ang birthday wish ko, hindi na para sa akin pero para po sa lahat para makagalaw na tayo ulit nang normal at makasama na ang family members natin."
PHOTO/S: @kimsmolina on Instagram

Ngayong Huwebes, July 1, ang 30th birthday ni Kim Molina.

Pero 25 years old lang daw ang kanyang pakiramdam na epekto ng mga karakter na ginagampanan niya sa pelikula.

At dahil panahon ng pandemya, napagkasunduan ni Kim at ng kanyang boyfriend na si Jerald Napoles na manatili sa bahay at kanselahin ang kanilang planong magbakasyon sa Bohol.

Sabi ni Kim, “Feeling ko po, 25 years old pa lang ako.

"Maybe because most of my movie roles were early to late 20s lagi ang edad ko.

“I also think na kami ni Je, happy lang most of the time and deadma sa bad vibes kaya nagre-resonate sa aura namin.

"I still feel young and, feeling ko, debut ko lang today!" natawang sabi ni Kim.

Para sa lahat ang nag-iisang birthday wish ni Kim: “Ang makapagpa-vaccine na po ang lahat!

"Yun po talaga ang birthday wish ko, hindi na para sa akin pero para po sa lahat para makagalaw na tayo ulit nang normal at makasama na ang family members natin.

Continue reading below ↓

"Kapag okey na ang sitwasyon, makakapag-birthday party na ulit nang maramihan, hindi lang ako but all of us na magbi-birthday."

Madali sa pandinig ang birthday wish ni Kim, pero mahirap at matatagalan pa bago mangyari ang pinapangarap na herd immunity sa ating bansa. Hindi pa sapat ang COVID-19 vaccines para sa milyun-milyong Pilipino.

Hindi na pangsarili ang hiling ni Kim para sa 30th birthday niya bilang kasali siya sa mga showbiz personality na mapalad dahil tuluy-tuloy ang pagdating sa kanya ng mga TV at movie assignment sa kabila ng pagkakaroon ng coronavirus pandemic.

Hanggang ngayon, hindi natitinag sa number one position sa Top 10 Content ng streaming site na VivaMax ang pelikula nina Kim at Jerald, ang Ang Babaeng Walang Pakiramdam.

Susundan ito agad ng Ikaw at Ako at ang Ending, ang bagong pelikula nilang may airdate sa August 13, 2021.

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Molina's wish on her 30th birthday: "Ang makapagpa-vaccine na po ang lahat! Yun po talaga ang birthday wish ko, hindi na para sa akin pero para po sa lahat para makagalaw na tayo ulit nang normal at makasama na ang family members natin."
PHOTO/S: @kimsmolina on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results