Batangas at Cavite, nakahanda sa banta ng muling pagsabog ng Taal Volcano

by Jojo Gabinete
Jul 1, 2021
Itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 3 sa lalawigan ng Batangas pagkatapos ng five-minute phreatomagmatic eruption ng Taal Volcano ngayong Huwebes ng hapon, July 1.
PHOTO/S: DOST / Phivolcs

Memorable ang pasabog na paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7 ngayong Huwebes, July 1, dahil kasabay nito ang phreatomagmatic eruption ng Taal Volcano mula 3:16 p.m. hanggang 3:21 p.m.

Nakunan ito ng video ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), at itinaas nito ang Alert Level 3 sa lalawigan ng Batangas.

Tiniyak naman ni Batangas Governor Dodo Mandanas sa online press briefing ng Phivolcs tungkol sa pagtataas ng Alert Level at sa Phreatomagmatic Activity ng Taal Volcano na nakahanda ang kanilang probinsiya sa anumang aktibidad ng bulkan.

“Ang lalawigan ng Batangas, lagi ring nakahanda. Nagpadala na kami ng mga transportation in case of evacuation [kung] kailangan na talaga.

“Ang lalawigan ay handang tumulong sa ating mga kababayan… hindi lamang sa evacuation, kundi [sa] lahat, pati sa mga pagkain, pati na sa mga face mask kung kinakailangan sa tamang panahon,” ang assurance na ibinigay ni Mandanas sa kanyang mga kababayan.

Continue reading below ↓

Ang mag-ingat at manalangin ang lahat ang mensahe ni Batangas 6th District House Representative Vilma Santos-Recto para sa mga Batangueño, na pinagsilbihan niya bilang gobernador ng lalawigan mula June 2007 hanggang June 2016.

Mensahe niya, “Paalala po sa lahat ng ating mga kababayan lalo na sa lalawigan ng Batangas na laging maging alerto at maging handa dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng Bulkang Taal.

“Sama-sama po tayong manalangin para sa kaligtasan ng lahat. Panginoon, huwag Niyo po kaming pababayaan.”

CAVITE

Agad ding naglabas ng babala si Cavite Governor Jonvic Remulla para sa mga residente ng Cavite, partikular sa Tagaytay City, na posibleng maapektuhan ng pag-aalburoto ng Taal Volcano.

Pahayag niya, “Nagkaroon ng steam eruption ang Bulkang Taal nitong 3:15 p.m.

“Nag-umpisa na po ang evacuation preparations ng lalawigan at ng Tagaytay City. Ang hanging habagat ay maaaring magdala ng matinding abo kapag ito ay umabot sa Alert Level 4-5.

“The province of Cavite is in close coordination with the officials of the LGUs surrounding Taal.

"We have enough food stocks to last for 5 days. Over 100 vehicles are being mobilized to help with the evacuation. Antigen test kits are also on standby for the evacuation areas.

“Sa mga may pasok sa paaralan kung elementary man o kolehiyo, classes suspended, submissions postponed, online classes are on hold.

“Wifi signals might be impaired and heavy ash fall is a possibility tomorrow. Stay indoors. Shut your windows close. Prepare your face masks and stay safe everyone.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinaas ng Phivolcs ang Alert Level 3 sa lalawigan ng Batangas pagkatapos ng five-minute phreatomagmatic eruption ng Taal Volcano ngayong Huwebes ng hapon, July 1.
PHOTO/S: DOST / Phivolcs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results