Karen Davila, ipinagtanggol si Bea Alonzo sa mga apektado sa paglipat ng aktres sa GMA-7

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2021
Karen Davila (left) on Bea Alonzo's transfer to GMA Network: "Hindi po natin alam ang buong kuwento. Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho. Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo."
PHOTO/S: Instagram / Twitter

Hindi pa naiimbento ang mga social media platform tulad ng Facebook (2004) at Twitter (2006) nang iwanan ni Karen Davila ang GMA-7 noong 2001 para lumipat sa ABS-CBN.

Pero hindi siya nakaiwas sa mga panghuhusga ng publiko.

Hindi pa isinisilang noon ang Facebook at Twitter kaya maituturing na mapalad pa rin si Karen dahil hindi ito naging biktima ng matitinding batikos.

Hindi katulad ng nararanasan ngayon ni Bea Alonzo, na opisyal na ipinakilala bilang bagong miyembro ng Kapuso Network kahapon, July 1, 2021.

Dahil pinagdaanan niya ang nararanasan ni Bea sa kasalukuyan, ginamit ni Karen ang kanyang Twitter account para iparating ang mensahe niya sa mga apektado ng pag-alis ng aktres sa Kapamilya Network.

“Let us be slow in casting judgment over a person’s decision to leave.

"Hindi po natin alam ang buong kuwento. Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho.

"Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo.

Continue reading below ↓

"All will work out in God’s time," tweet ni Karen kahapon habang nakatutok ang karamihan sa contract signing ni Bea at sa global media conference ng GMA-7 para sa bagong Kapuso star.

"Sorry to hear this" at "Too much negativity on social media today over a transfer. To each his own. Kalma lang" ang magkasunod na reaksiyon ni Karen sa paliwanag ng mga nagtatampo kay Bea, na may iniwan umanong TV series sa ABS-CBN nang lumipat siya sa GMA-7.

Continue reading below ↓

FORMER ABS-CBN EXEC ON BEA'S TRANSFER

Ang former ABS-CBN production executive na si Ethel Espiritu ang isa sa mga hindi napigilan ang sarili na magkomento tungkol sa career move na ginawa ni Bea.

Tulad ni Karen, ang Twitter ang kanyang ginamit para ilabas ang saloobin.

Pahayag ni Ethel (published as is), “Yun ang nakakasama ng loob sa karamihan, me project na naumpisahan at iniwan. Sana naisip din niya, ‘yung mga nagsimula at naghirap para sa project.

“Yung mga kasamahang artista na umasa at naantala sa paghintay sa kanya. Nagalit pa nga daw nanay nu’ng isa. Unless nga mali ako."

Continue reading below ↓

Dagdag pa niya, “Walang mali sa magpaalam at paglipat where there are opportunities. Lalo na hindi na mabibigay sa’yo yung expected mo at gusto mo.

“Make sure malinis lang, maliit lang industriya natin. They always say, don’t burn bridges. I hope she didn’t.”

Ang Kahit Minsan Lang ng ABS-CBN ang drama series na tinutukoy ni Ethel at ng netizens, na may mga hindi pabor na opinyon sa pag-alis ni Bea sa home network na nagpasikat sa kanya.

Continue reading below ↓

Si Bea ang lead actress at co-stars niya sina Richard Gutierrez at Rafael Rosell sa drama series ng Star Creatives, ang entertainment production unit ng ABS-CBN.

Nakunan na ang ilang eksena ng Kahit Minsan Lang sa fishport ng General Santos City noong September 2019, pero nahinto ang taping ng programa dahil sa coronavirus pandemic.


Continue reading below ↓

Ito ang rason kaya natakot si Bea na lumabas ng bahay para magtrabaho.

Noong September 17, 2020, inilabas ng Star Creatives ang opisyal na pahayag tungkol sa cancellation ng Kahit Minsan Lang.

"The nature of the material developed for [Bea] Alonzo cannot be accommodated at present because of the restrictive scenarios of shooting. Nonetheless, Star Creatives said it is looking forward to working with Alonzo again in the future," bahagi ng official statement ng Star Creatives.

Noong November 26, 2020, naglabas ng official statement ang ABS-CBN Integrated Corporate Communications tungkol sa desisyon ni Bea na umalis sa Star Magic, ang talent management arm ng Kapamilya Network na namahala sa kanyang showbiz career sa loob ng 19 taon.

Nakasaad sa pahayag ng ABS-CBN Integrated Corporate Communications na kahit iba na ang mamamahala sa showbiz career ni Bea, mananatili itong Kapamilya.

"After a series of consultations, Bea Alonzo has decided to pursue her professional goals under a new talent management. Bea has subsequently advised ABS-CBN that she has appointed Ms. Shirley Kuan to represent her as manager. We respect her decision.

Continue reading below ↓

"ABS-CBN has full confidence that Ms. Kuan, an industry veteran, will manage Bea with the same attention and care that Star Magic has devoted to Bea’s professional career. Star Magic is coordinating with Bea and her new management to ensure a smooth and seamless transition.

"Even if Bea is no longer with Star Magic, she will always remain a Kapamilya."

Pero makalipas ang walong buwan, ganap nang Kapuso ang aktres.

REALTED STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karen Davila (left) on Bea Alonzo's transfer to GMA Network: "Hindi po natin alam ang buong kuwento. Lahat naman po tayo kailangang magtrabaho. Maliit po ang industriya. Bilog po ang mundo. Magkikita kita rin tayo."
PHOTO/S: Instagram / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results