Natuloy ang pag-iisang dibdib ng singer na si Katrina Velarde at ng American musician na si Mike Shapiro noong May 2021.
Naganap ang private wedding ceremony sa Tagaytay City.
Pero maliban sa mga larawang inilabas niya sa social media, walang ibang detalye na ibinigay si Katrina tungkol sa importanteng pangyayari sa kanyang buhay.
Ang original plan nina Katrina at Mike ay magpakasal sila noong July 2020, pero hindi ito nangyari dahil sa coronavirus pandemic.
Kahapon, July 1, nagkaroon ng digital presscon para sa "Sa Panaginip," ang bagong single ni Katrina sa Viva Records.
Ang pagpapakasal nila ni Mike ang isa sa mga napag-usapan.
Nabanggit ni Katrina na ex-wife ni Mike ang popular latin-jazz vocalist na si Kevyn Lettau na umawit sa hit song na "Sunlight."
Madalas na magtanghal noon si Kevyn sa Pilipinas, at ito ang dahilan kaya maraming naging kaibigan na Filipino musician ang kanyang ex-husband.
Sa pambihirang pagkakataon, sumali si Mike sa virtual presscon kahapon para kay Katrina.
Katrina Velarde and husband Mike Shapiro
LOVE FOR THE PHILIPPINES
Dito niya sinabi ang kanyang pagmamahal sa ating bansa.
Saad ni Mike, “I love it here, I love the culture. I love the people. I’ve always been very comfortable here.
“I know how Kat feels about living in the States, and I know that it will be a major sacrifice for her.
"I’ve been in Los Angeles for a long time so it was a welcome change. I have a lot of friends here."
Bukod sa malaking impluwensiya ni Mike sa singing career ni Katrina, siya rin ang producer ng mga kanta ng kanyang asawa.
Ayon kay Mike, “We have a very similar vision of what music is and why we do it.
"It’s not just commodity, it’s not just to make money.
"We do it because it’s what we love and it’s what we put it here for you."
Ibang Katrina ang mapapakinggan sa "Sa Panaginip" dahil hindi na siya bumibirit sa pag-awit, isang palatandaan ng malaking pagbabagong ginawa ni Mike sa paraan ng pagkanta niya.
Sabi ni Katrina, “Nakakapagod din na puro matataas yung kinakanta tapos yung expectations ng tao palaging nandoon, so we thought about this.
“It’s a long process kasi medyo metikuloso din ang asawa ko, siya ang nagpo-produce ng mga kanta ko ngayon.
“Long process because all the instruments are live, and yung ibang mga musician, mga musician sa ibang bansa, dinala dito sa Pilipinas.
“Medyo upbeat yung kanta, pero yung meaning, hindi masaya. Kasi usually po ng mga kinakanta ko, malungkot din yung kanta, malungkot din ang instruments.
“Ngayong pandemic, dapat medyo feel good pa rin kahit papaano yung music na naririnig nila.”
Natawa si Katrina sa huling tinuran dahil hindi lamang ang estilo ng kanyang pagkanta ang nagbago. Nag-iba rin umano ang hitsura niya dahil sa tulong ng siyensya.