Eat Bulaga, kinilala ang tagumpay ni Kataluna Enriquez sa Miss Nevada 2021

by Jojo Gabinete
Jul 2, 2021
Miss Nevada 2021 Kataluna Enriquez: "I have always said I hope to see one day that someone like me is represented in Miss USA. I never thought that it would be me."
PHOTO/S: @mskataluna on Instagram

Kinilala ng Eat Bulaga! ang tagumpay ni Kataluna Enriquez, ang Filipino-American transgender woman na nagwagi bilang Miss Nevada 2021 noong Linggo, June 27.

Si Kataluna ang opisyal na kinatawan ng State of Nevada sa 70th Miss USA na magaganap sa November 29, 2021 sa Paradise Cove Theater of River Spirit Casino Resort sa Tulsa, Oklahoma.

Si Kataluna ang representative ng USA sa Super Sireyna Worldwide, ang beauty pageant ng Eat Bulaga! noong May 2018.

Kataluna Patricia Enriquez ang pangalang ginamit ng beauty queen nang sumali siya sa Super Sireyna, at ito ang alaalang binalikan ng Eat Bulaga.

Nakasaad sa Facebook post ng Eat Bulaga! ang caption na ito na kalakip ng mga larawan ni Kataluna:

"ALAM NIYO BA MGA DABARKADS na ang kauna-unahang transgender woman na nakoronahan ng title na Miss Nevada USA noong Linggo ay naging finalist ng Super Sireyna Worldwide noong 2018? Siya Si Kataluna Enriquez, Super Sireyna USA 2018."

Continue reading below ↓

SEXUAL ABUSE VICTIM

Nang maging contestant siya ng Super Sireyna Worldwide, ipinagtapat ni Kataluna na biktima siya ng pang-aabuso na hindi nito ikinahihiya.

Pahayag niya, “I have faced many challenges growing up from bullying, domestic violence, and rape, yet I still have the will power to keep pushing to fight for my life and for thousands of woman and children all over the world.

Continue reading below ↓

“If I could send a message to anyone, it would be to never let anyone tell you that you are less of a person because of who you are. Who you is simply enough to be everything that you want to be."

Hindi pinalad na manalo si Kataluna sa beauty pageant ng Eat Bulaga. Ang itinanghal na Super Sireyna Worldwide 2018 ay si Nicole Guevarra Flores ng Pilipinas.

Pero mas malaki pala ang oportunidad na naghihintay kay Kataluna dahil siya ang itinanghal bilang Miss Nevada 2021.

Gumawa si Kataluna ng kasaysayan sa Amerika dahil siya ang kauna-unahang transgender woman na lalahok sa Miss USA.

Kapag nanalo, siya ang magiging official delegate ng USA sa 70th Miss Universe na idaraos sa December 2021.

Sa panayam ng The Washington Post kay Kataluna, sinabi nitong naranasan niya noong magdasal na huwag na sana siyang magising dahil sa mga pagkasuklam na natatanggap na bunga ng kanyang pagiging transgender.

Continue reading below ↓

“I silenced myself and belittled myself just so I could survive.

“I have always said I hope to see one day that someone like me is represented in Miss USA. I never thought that it would be me.

“I will do my best to represent our state and represent my community, and embrace myself and hopefully be a great example to many people of all backgrounds,” bahagi ng pahayag ni Kataluna sa interbyu sa kanya ng The Washington Post.


Continue reading below ↓

Sa panayam naman ni MJ Felipe ng ABS-CBN News, ikinuwento ni Kataluna na sampung taon ang edad niya nang lumipat sila ng kanyang pamilya sa Amerika noong 2003.

Full-blooded Filipino siya kaya tunay na maipagmamalaki ng ating mga kababayan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Nevada 2021 Kataluna Enriquez: "I have always said I hope to see one day that someone like me is represented in Miss USA. I never thought that it would be me."
PHOTO/S: @mskataluna on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results