Jason Abalos, di ipapanood sa girlfriend na si Vickie Rushton ang Silab

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2021
Jason Abalos (left) on Silab co-stars Marco Gomez and Cloe Barreto: "Surprisingly, yung dalawa, napakahusay. Parang karamihan yata ng take ni Direk, parang one take lang. Hindi kami nahirapan gawin yung pelikula."
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram / VivaMax

Dahil sa maseselang eksena sa Silab, walang balak si Jason Abalos na ipapanood sa girlfriend na si Vickie Rushton ang pelikulang pinagbibidahan nila ng mga newcomer na sina Marco Gomez at Cloe Barretto.

“Baka ma-shock siya sa mga mapapanood niya,” sabi ni Jason tungkol sa posibleng maging reaksiyon ni Vickie sa mga eksena niya.

Walong taon na ang relasyon nina Jason at Vickie, pero hindi nangimi ang aktor na sagutin ang tanong sa buong cast ng Silab kung naging unfaithful sila sa mga partner nila.

Tungkol kasi sa pagtataksil ang kuwento ng kanilang pelikula, na unang movie project ng 3:16 Events at ipalalabas sa VivaMax streaming site simula sa July 9, 2021.

Sabi ng Kapuso actor, “Lahat naman po tayo dumaan sa mga kabataang nag-e-explore pa ng mga bagay-bagay sa ating buhay.

"May mga pagkakataon po talaga na dumarating ‘yan.

"Pero siyempre, habang tayo’y nagkakaedad, nagiging iba po yung ating pananaw sa ating buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, pinipilit po nating huwag na tayong makasakit ng iba pang tao.”

Tulad ng direktor ng Silab na si Joel Lamangan, nakitaan ni Jason ng husay sa pag-arte sina Marco at Cloe, kahit baguhan pa lamang ang dalawa sa paggawa ng pelikula.

Ayon kay Jason, “Surprisingly, yung dalawa, napakahusay. Parang karamihan yata ng take ni Direk, parang one take lang. Hindi kami nahirapan gawin yung pelikula.

“Unang-una, nakaganda rin yung nasa lock-in shooting kami dahil walang ibang distractions sa amin.

"Yung isip at puso namin, nasa paggawa lang ng pelikula nung mga araw na ‘yon.

"Malayo yung mararating ng dalawa, sina Marco at Cloe. Sobrang pwede silang makipagsabayan kahit kanino.”

Ang Silab ang pinakamapangahas na proyekto nina Jason, Cloe, at Marco dahil sa mga nudity scene.

Hindi mapuputol ang mga maseselang eksenang ito dahil walang kapangyarihan ang MTRCB sa mga pelikulang ipinalalabas sa mga streaming site na labis na ikinatutuwa ng mga direktor na gaya ni Joel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jason Abalos (left) on Silab co-stars Marco Gomez and Cloe Barreto: "Surprisingly, yung dalawa, napakahusay. Parang karamihan yata ng take ni Direk, parang one take lang. Hindi kami nahirapan gawin yung pelikula."
PHOTO/S: @thejasonabalos on Instagram / VivaMax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results