Ben x Jim Forever nina Jerome Ponce at Teejay Marquez mapapanood na sa Netflix

by Jojo Gabinete
Jul 4, 2021
Jerome Ponce (left) and Teejay Marquez's BL series Ben x Jim Forever will begin streaming on Netflix this July 5.

Hindi nawawala sa Top 2 content ng Netflix Philippines ang Mommy Issues ng Regal Entertainment Inc. mula nang mag-umpisa noong June 30 ang worldwide streaming nito.

Bida sa comedy film na ito sina nina Pokwang, Sue Ramirez, Ryan Bang, Gloria Diaz, at Jerome Ponce kaya masayang-masaya sila sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanilang pelikula.

Hindi lamang ang Mommy Issues ang project ng Regal na napapanood sa Netflix.

Simula bukas, July 5, matutunghayan na rin sa popular streaming site ang Ben X Jim Forever, ang controversial at well-loved Boys Love Series na tinatampukan nina Jerome Ponce at Teejay Marquez.

Unang ipinalabas ang Ben X Jim Forever sa UPSTREAM.ph noong February 2021, at ito ang number one sa lahat ng mga title sa nabanggit na streaming site.

Nag-trending din noon sa social media ang third episode ng Ben X Jim dahil sa daring scene na walang takot na ginawa ng cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Teejay sa panayam ng Cabinet Files, “I expect na mas malawak ang reach ng series namin lalo na ang international fans na gustung-gustong mapanood ang Season 2 ng Ben X Jim.

“We all know naman na ang audience nowadays are tambay ng Netflix.

“Super happy ako na marami na ang makakapanood ng series na pinaghirapan namin.

“My favorite scene is yung finally nagkita na ang character ko as Ben and his other friends.”

Sabik nang mapanood ni Teejay sa Netflix ang Season 2 ng BL series nila ni Jerome.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerome Ponce (left) and Teejay Marquez's BL series Ben x Jim Forever will begin streaming on Netflix this July 5.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results