Watch Now

Baguhang sexy star na si Cloe Bareto, hindi konektado sa controversial Barretto sisters

by Jojo Gabinete
Jul 6, 2021
Nilinaw ng manager ng baguhang sexy star na si Cloe Bareto na single R at single L lamang ang mga letra sa apelyido nito. Pero sa poster ng pelikulang Silab, pati na sa Instagram account ni Cloe, ay Barreto ang nakalagay.
PHOTO/S: @cloebarreto on Instagram

Walang relasyon sa controversial Barretto sisters ang upcoming sexy star na si Cloe Bareto dahil screen name lamang nito ang pangalang ginagamit niya.

Pero may clarification ang kanyang manager na si Len Carillo.

Single R at single L lamang ang mga letra sa apelyido ng talent niyang introducing sa Silab, ang maiden presentation ng movie outfit ni Len, ang 3:16 Events and Talent Management Company.

Nakalilito ang spelling ng family name ni Cloe—na Chloe Ann Sy ang tunay na pangalan—dahil double RR ang spelling ng Bareto sa kanyang mga social media account at sa poster ng Silab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Joel Lamangan ang direktor ng launching movie ni Cloe, at pinuri niya ang pag-arte ng baguhang aktres.

May pinaghuhugutan ng emosyon si Cloe dahil may sakit ang kanyang ama habang ginagawa nila nina Jason Abalos at Marco Gomez ang Silab.

Napaluha si Cloe nang magkuwento ito tungkol sa karamdaman sa puso ng tatay niyang si Ronaldo Nicolas.

Lumipad sa Texas, USA si Cloe at ang pamilya nito para sa heart surgery ng kanyang ama.

Sa awa ng Diyos, tagumpay ang operasyon kaya babalik na si Cloe sa Pilipinas sa July 17.

Kahit may coronavirus pandemic at naging abala sa shooting ng Silab, ipinagpapatuloy ni Cloe ang pag-aaral dahil alam niyang mahalagang-mahalaga ang pagkakaroon ng college degree.

HOT STORIES

Use these GrabFood promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nilinaw ng manager ng baguhang sexy star na si Cloe Bareto na single R at single L lamang ang mga letra sa apelyido nito. Pero sa poster ng pelikulang Silab, pati na sa Instagram account ni Cloe, ay Barreto ang nakalagay.
PHOTO/S: @cloebarreto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results