Cristine, Diego, Andi, Ella, iba pang celebs pwede nang mag-video greet sa special occasions

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2021
Celebrities like Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Andi Eigenmann, and Ella Cruz can now give your loved ones video greetings via Klieg.
PHOTO/S: Instagram

Pinasok na rin nina former presidential spokespersons Edwin Lacierda at Abigael Valte—higit na kilala bilang mga kaalyado ni former Philippine President Noynoy Aquino—ang entertainment business.

Kasama ang kanilang mga business partner na sina Viva CEO Vic del Rosario Jr., Jaime Hing III, Coby Lim, at Ranvel Rufino, itinatag nila sa panahon ng pandemya ang Klieg.

Ang Klieg ang bagong platform na may layuning lalong mapalapit sa publiko ang mga celebrity, athletes, beauty queens, comedians, content creators, columnists, mga kilalang negosyante, at social media influencers.


Continue reading below ↓

(From left) Klieg head honchos Edwin lacierda, Vic del Rosario Jr., and Abigael Valte

Sina Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Andi Eigenmann, Ella Cruz, Janno Gibbs, Maui Taylor, Kylie Verzosa, at Kim Molina ang ilan sa mga artista ng Klieg na inilunsad noong June 15, siyam na araw bago binawian ng buhay si Aquino noong June 25.

Sa pamamagitan ng pagbisita sa website ng Klieg, mabibigyan ng pagkakataon ang publikong humiling at humingi ng personalized video greeting mula sa mga hinahangaan nilang personalidad para sa kanilang mga mahal sa buhay o kaibigang may ipinagdiriwang na importanteng okasyon tulad ng kaarawan at anibersaryo.

Para kay Boss Vic, madali ang desisyong itatag ang Klieg dahil sa kanyang paniniwalang hinding-hindi mawawala ang entertainment sa buhay ng mga tao.

Pahayag niya, “I’ve always believed that the entertainment will be here to stay. Fans will always be after personal experiences with their favorite artistas and celebrities.

Continue reading below ↓

“We just have to find ways using technology to make the experience possible. While Viva is a legacy entertainment company, I am always on the lookout for ways on how we can expand our reach beyond the traditional.”

Sinabi naman ni Lacierda na para sa fans ang Klieg dahil ito ang magiging tulay sa puwang na nilikha ng coronavirus pandemic.

“Klieg is really a platform dedicated to fans. Beyond personalized greetings, we are planning to expand in ways that will help the fans become closer to their idols.

“The COVID-19 pandemic has highlighted the need to bridge the physical gap using digital, and the entire Klieg team wants to be at the forefront to make this happen,” pahayag ni Lacierda na nanunungkulan bilang CEO ng Klieg.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Celebrities like Diego Loyzaga, Cristine Reyes, Andi Eigenmann, and Ella Cruz can now give your loved ones video greetings via Klieg.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results