Sheree first time mag-frontal nudity sa Nerisa: "Virgin na virgin pa ako sa pagpapaseksi sa movie."

by Jojo Gabinete
Jul 8, 2021
sheree frontal nudity
Sheree on frontal nudity scene in Nerisa: “Sabi ko talaga, kahit ipakita ko lahat, alam ko na magiging tasteful yung dating ng karakter at saka ng film.”
PHOTO/S: @shereevb420 on Instagram

Binago ng coronavirus pandemic ang landscape ng paggawa ng pelikula.

Trend na ngayon ang pagkakaroon ng mga frontal nudity scene na walang takot na ginagawa ng mga artista—mapa-babae at lalake—kasunod ng paliwanag na importante sa kuwento ang kanilang paghuhubad.

Isa si Sheree sa mga sexy actress na hindi nagdalawang-isip maghubad sa mga eksena niya sa Nerisa, ang sexy drama movie na pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Aljur Abrenica, Sean de Guzman, at AJ Raval.

Ipinagtapat ni Sheree na nangyari sa Nerisa ang unang pagkakataong naging mapangahas siya sa pagpapakita ng maselang bahagi ng kanyang katawan.

Saad ng sexy star, “Before I accepted the role, ni-ready ko na yung sarili ko.

"So, yes, first time po, virgin na virgin pa ako sa pagpapaseksi sa movie.

“Na-devirginize na po ako sa Nerisa. Ako yung isa sa mga sex worker sa isla.

“Isa sa mga kaibigan at tagapagligtas ng mga kaibigan ko ang role ko at, bilang isang kaibigan, ano ba yung pambayad ko sa mga kaibigan na pinoprotektahan ko, which is yung pagiging daring at sexy.

Continue reading below ↓

“Very important din yung karakter na nagpakita ako ng kaseksihan. Hindi siya konti, medyo marami.

"Pero hindi ko pinagsisisihan. I’m very happy that I got the character.

“I am thankful to Viva and Direk Law [Lawrence Fajardo, ang direktor ng Nerisa].

“Maraming salamat sa pag-guide sa akin dahil, sabi ko nga, virgin ako sa sobrang paseksi sa movie, pero ginawa ko dahil I trusted Direk Law so much.

“Sabi ko talaga, kahit ipakita ko lahat, alam ko na magiging tasteful yung dating ng karakter at saka ng film.”

Si Giselle Sanchez ang moderator ng virtual media conference ng Nerisa na naganap nitong Huwebes, July 8.

AFRICAN JUNGLE

Nagkatawanan sila ni Sheree nang magtanong si Giselle ng “Was it Brazilian strip, naked ambition o African jungle?"

Walang kakurap-kurap ang mga mata na sagot ni Sheree sa naughty question sa kanya ni Giselle: “It’s an African jungle.”

Sabi pa ni Sheree, "Siyempre kapag nasa isla ka, wala ka naman pang-Brazilian doon. Medyo uma-African jungle muna tayo nang very very light.

African jungle [ako] the whole time, kasi sabi nga ni Direk Law, paghandaan daw yung karakter.

"So, kailangan medyo maitim ka, which is yun naman talaga ang kulay ko.

“E, siyempre, wala naman pang-ano sa isla so pinanindigan ko na. At least, wala akong ginastos sa buong buwan at nakatipid ako ng salon.

“Lahat pinaghandaan ko, pati yung buhok at saka yung pagiging African jungle.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sheree on frontal nudity scene in Nerisa: “Sabi ko talaga, kahit ipakita ko lahat, alam ko na magiging tasteful yung dating ng karakter at saka ng film.”
PHOTO/S: @shereevb420 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results