Sarah Geronimo muling mapapanood sa GMA-7 after 17 years

by Jojo Gabinete
Jul 9, 2021
Sarah Geronimo's digital show Tala, The Film Concert will have its TV premiere on GMA Network in July 18. This is the first time that Sarah will be seen in the Kapuso network after 17 years.
PHOTO/S: Viva Entertainment

Makalipas ang labimpitong (17) taon, muling mapapanood si Sarah Geronimo sa GMA-7.

Ito ay dahil sa Kapuso network mapapanood ang TV premiere ng Tala, The Film Concert, ang digital show ni Sarah na unang ipinalabas sa ktx.ph, ang streaming site ng ABS-CBN Corporation, noong March 27, 2021.

Mapapanood ang Tala, The Film Concert sa July 18, Linggo, 4:35 p.m., kaya pansamantalang hindi matutunghayan ang Kapuso shows na Stories of Hope at On Record.


Continue reading below ↓

Ang airing ng GMA-7 sa Tala, The Film Concert ang parang magsisilbing pre-birthday show ni Sarah na magdiriwang ng 33rd birthday sa July 25.

Iilan na lamang ang nakakaalala na minsan ding naging Kapuso si Sarah dahil mainstay siya ng SOP mula 2003 hanggang 2004.

Iniwanan ni Sarah ang Sunday musical-variety program ng GMA-7 nang pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN noong February 2004.

Naging headliner siya ng ASAP, ang rival show ng SOP.

Tiyak na may mga mag-iisip na baka lumipat na rin si Sarah sa GMA-7 dahil sa airing ng Tala sa kanyang dating home network.

Pero walang dapat ipag-alala ang Kapamilya fans ng singer-actress.

Mismong ang Viva Entertainment top honcho na si Vic del Rosario Jr. ang nagsabi noong March 2021 na hindi pa tapos ang exclusive contract ng Popstar Royalty sa ABS-CBN, kaya mananatili siyang Kapamilya.

Hindi naman imposibleng mapanood ang mga artista ng Viva Artists Agency sa mga programa ng GMA-7 dahil uumpisahan na ito ni Xian Lim, ang leading man sa upcoming drama series ni Jennylyn Mercado.

Continue reading below ↓

Dati nang may mga co-production venture ang GMA-7 at ang Viva.

Noong dekada ’90, sila ang naghatid sa televiewers ng top-rating shows tulad ng T.G.I.S., Anna Karenina, at Spotlight.

Nagsimula at bumalik ang partnership ng GMA Network at ng Viva sa panahon ng coronavirus pandemic.

Ang dalawang kompanya ang magkasosyo sa produksiyon ng A Moment To Remember, ang pelikulang pagbibidahan nina Alden Richards at Bea Alonzo, at siguradong masusundan pa ito ng ibang mga proyekto ng GMA Pictures at Viva Films.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo's digital show Tala, The Film Concert will have its TV premiere on GMA Network in July 18. This is the first time that Sarah will be seen in the Kapuso network after 17 years.
PHOTO/S: Viva Entertainment
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results