UPDATED Mr. M opisyal nang ipakikilalang consultant ng GMA Artist Center

by Jojo Gabinete
Jul 12, 2021
Bukas, July 13, ay opisyal nang ipakikilala si Johnny "Mr. M" Manahan bilang bagong Kapuso. Si Mr. M ay magsisilbing consultant ng GMA Artist Center, ang talent-management arm ng Kapuso network.
PHOTO/S: GMA Network / Star Magic YouTube

Malalaman na ang mga plano ni Johnny Manahan para sa GMA Artist Center, ang talent management arm ng GMA Network Inc.

Ito ay dahil pormal na siyang ipakikilalang consultant ng GMA Artist Center bukas, July 13.

Si Manahan, o Mr. M., ang co-founder, kasama ni Freddie M. Garcia, ng Star Magic, kung saan si Mr. M ang chairman emeritus nang umalis siya sa bakuran ng ABS-CBN noong September 2020.

Ang Star Magic ay ang highly successful talent-management arm ng ABS-CBN, na nagpasikat ng maraming artista ng Kapamilya Network, kasama na sina Claudine Barretto, Piolo Pascual, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Maja Salvador, Kristine Hermosa, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at marami pang iba.

Bago pa inilabas ng GMA Network ang teaser tungkol sa isang "pillar in Philippine entertainment" na gagawa ng isang malaking hakbang, ilang linggo nang lumulutang ang usap-usapang magiging Kapuso si Mr. M.

Continue reading below ↓

Lalo itong nakumpirma dahil sa Instagram post ng kanyang kaibigang si Korina Sanchez noong Sabado ng gabi, July 10.

Caption ni Korina sa screenshot ng isang Zoom party: “What a fun evening to cap a long and tiring day. A feast of food and laughter and no holds barred and, therefore, censored conversation with some of the movers and most interesting pillars of the industries: ABSCBN now GMA 7’s Johnny Manahan and Mariole Alberto, Viva’s Law Tan, Robinson’s Robina Gokongwei-Pe, veteran PR Guru Keren Pascual, Dreamscape’s Joel Mercado, ABSCBN’s Enrico Santos and Leo Katigbak, PEP’s dragon lady (haha) Joann Maglipon and Brightlight’s PatP Daza.

“Ohhhh what we talked about..Happiest 60th to some of those who deserve another 60 years ahead: Robina Gokongwei-Pe, Mariole Alberto and PatP Daza (no she’s not 60 yet. She made me say this)."

Continue reading below ↓

Hindi matatawaran ang kredibilidad ni Korina kaya marami ang naniwala sa kanyang Instagram post tungkol kina Mr. M at Ms. Mariole.

Pero isang insider ang nagparating sa Cabinet Files na si Mr. M lamang, at hindi pa kasama si Mariole Alberto, ang nasa welcome media conference ng GMA-7 bukas.

Si Mariole ang naging successor ni Mr. M bilang head ng Star Magic. Nagretiro siya noong December 2020, at si Lauren Dyogi ang ipinalit sa dating posisyon niya.

Ipinaliwanag ng Cabinet Files informer na hindi pa maaaring lumipat si Ms. Mariole sa ibang TV network dahil may bisa pa ang non-compete agreement nila ng ABS-CBN.

Ayon sa investopedia.com, “A non-compete agreement is a legal agreement or clause in a contract specifying that an employee must not enter into competition with an employer after the employment period is over. These agreements also prohibit the employee from revealing proprietary information or secrets to any other parties during or after employment.”

Continue reading below ↓

Hindi imposibleng tanungin si Mr. M sa presscon welcoming him tungkol sa balitang magkasabay sila ni Ms. Mariole na lilipat sa GMA Artist Center, kaya ang sagot niya ang hinihintay ng mga interesadong malaman ang katotohanan.

Napag-alaman naman mula sa isang source na malapit kay Mariole Alberto na hindi totoong meron itong non-compete clause sa naging kontrata niya sa ABS-CBN.

Ang ibig sabihin ay, kundi man kasabayan ni Mr. M sa "welcome presscon" si Mariole, hindi ang kontrata ang dahilan.

Noong 2020, lumipat si Mr. M sa Brightlight Productions bilang direktor ng Sunday Noontime Live at producer ng noontime show na Lunch Out Loud.

Pero hindi nagtagal ang business relationship nila ng businessman na si Albee Benitez nang magdesisyon ang huli na isara ang Sunday noontime musical-variety show nina Piolo, Maja, at Catriona Gray sa TV5.

Ang ASAP Natin ‘To ng ABS-CBN ang inilagay ng TV5 at Brightlight Productions sa binakanteng timeslot ng Sunday Noontime Live.

Continue reading below ↓

Ilang dekadang si Mr. M ang direktor ng ASAP Natin ‘To.

Mula sa Brightlight Productions, lumipat si Mr. M sa GMA Network Inc.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukas, July 13, ay opisyal nang ipakikilala si Johnny "Mr. M" Manahan bilang bagong Kapuso. Si Mr. M ay magsisilbing consultant ng GMA Artist Center, ang talent-management arm ng Kapuso network.
PHOTO/S: GMA Network / Star Magic YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results