Paglipat ni Johnny Manahan sa GMA Network, sinabayan ng pag-trend ng Star Magic sa Twitter

by Jojo Gabinete
Jul 13, 2021
Johnny Manahan on moving to GMA Network: "In a way, I could not refuse that offer. It’s work, I go where there’s work and where people need us, where people respect us. After certain point, it was so easy to say yes."
PHOTO/S: Star Magic YouTube / Twitter

Opisyal na ipinakilala ng GMA Network Inc. si Johnny "Mr. M" Manahan bilang bagong Kapuso.

Sa isang virtual media conference ngayong Martes ng tanghali, July 13, sinabing consultant na ng GMA Artist Center si Mr. M.

Kasabay ng pagpapakilala kay Mr. M bilang bagong Kapuso, kapansin-pansin ang pagti-trend sa Twitter Philippines ng mga hashtag na #TheMagicContinues at #StarMagicShinesBrighter.

Si Mr. M ang co-founder at dating chairman emeritus ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na responsable sa pagpapasikat ng maraming mga artista ng TV network na binawian ng franchise noong 2020.

Bunga naman ito ng alitan sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte and ng Kapamilya network ng Lopez family.

Tila hindi matanggap ng loyal supporters at sympathizers ng ABS-CBN na lumipat sa Kapuso network ang founder ng Star Magic.

Sa kanyang sariling salita,"nag-behave" si Mr. M sa pagsagot sa mga isyung may kinalaman sa network na pinanggalingan, na tinawag niyang “kabilang organization.”

Continue reading below ↓

Pero mararamdaman ang tunay na saloobin ng seasoned star builder-director dahil sa mga makahulugang salitang pinakawalan nito.

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga pahayag ni Mr. M tungkol sa kanyang desisyong lumipat sa Kapuso Network:

“Magre-retire na ako, lalagay na sa tahimik.

"Andoon yung itch. Whenever I think about it, it’s hard not doing anything lalo na this pandemic, wala akong magawa sa bahay.

"And tamang-tama, some friends of ours in Channel 7 asked if we were interested.

"Sabi ko, 'Sige, let’s talk,' and maganda naman yung inilatag nila para sa akin.

"In a way, I could not refuse that offer. It’s work, I go where there’s work and where people need us, where people respect us.

"After a certain point, it was so easy to say yes."

Patuloy ni Mr. M, "Parang nabuhay ako uli kasi I have this passion for training artists, for bringing up these young artists, at gagawin namin ang lahat para umusbong yung personalities nila, yung competitive self nila.

Continue reading below ↓

"And I feel very buoyant, very light, lalung-lalo na nung nakilala ko yung ibang mga executives. Napaka-friendly nila, napakabait…"

Tinanong din si Mr. M tungkol sa posibilidad na paglipat sa GMA-7 ng ibang mga contract stars ng Star Magic.

"Hindi ko masasagot ngayon," reaksiyon ni Mr. M.

Ipinaliwanag din ni Mr. M na nagkataon lang ang magkasunod na paglipat nila ni Bea Alonzo sa bagong tahanan nila.

“Alam naman nila kung anong gusto nilang gawin, but you’ll never know.

"Katulad ni Bea, nagkataon lang na gusto niyang lumipat.

"Hindi kami nag-usap, hindi kami nagsalita for the others, with the others.

"Sinasabi ko parati, kailangan pag-isipan nila kung saan talaga ang gusto nila and to find work where people can appreciate them.

"Abangan na lang."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Johnny Manahan on moving to GMA Network: "In a way, I could not refuse that offer. It’s work, I go where there’s work and where people need us, where people respect us. After certain point, it was so easy to say yes."
PHOTO/S: Star Magic YouTube / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results