Erin Ocampo idinadawit din sa hiwalayang Aljur Abrenica at Kylie Padilla

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2021
Bukod kina Cindy Miranda at Maika Rivera, ang isa pang nadadawit sa hiwalayang sina Kylie Padilla and Aljur (kanan) ay ang dating GirlTrends member na si Erin Ocampo (kaliwa). Pero wala pang pahayag si Erin tungkol dito.
PHOTO/S: Instagram

Mula nang isiwalat ni Robin Padilla na “third party” ang dahilan ng pakikipaghiwalay ng kanyang anak na si Kylie Padilla sa asawa nitong si Aljur Abrenica, hindi na tumigil ang netizens sa pag-iimbestiga sa katauhan ng mystery woman.

Si Cindy Miranda ang unang napagbintangang third party sa pagwawakas ng relasyon nina Kylie at Aljur.

Magkapareha ang dalawa sa Nerisa, ang sexy drama movie na nagkaroon ng virtual media conference isang araw matapos ang pag-amin ni Robin, kaya nadiin ang pangalan ni Cindy.

“I am not the third party,” walang paligoy-ligoy na denial ni Cindy.

Nakilala lamang daw niya si Aljur nang magsimula ang lock-in shoot ng Nerisa noong nakaraang buwan.

Imposibleng siya ang ugat ng hiwalayang Aljur-Kylie dahil February 2021 pa nagsimula ang cryptic social media posts ni Kylie tungkol sa sitwasyon nilang mag-asawa.

Kaya pumutok man ang balita ng hiwalayan ngayon lang Hulyo, mukhang halos anim na buwan na ang nangyayaring kusot.

Continue reading below ↓

Hindi lamang si Cindy ang nadamay sa isyu.

Nabanggit din ang pangalan ng GirlTrends member na si Maika Rivera.

Ito ay dahil isang follower ni Kylie ay nag-iwan ng comment sa IG ng dating aktres: “Knows ko sino kabit ng asawa mo amihan. Si Maika Rivera pala sa girltrends... Sa Asintado pala nagsimula harutan nila. Tsssk!”

Nakarating kay Maika ang tsismis ng follower ni Kylie. Pero imbes na magalit, kalmadong itinuwid ni Maika ang kumakalat na intriga.

“Hi guys. Siguraduhin niyon tama muna mga 'chika' niyo bago kayo magco-comment sakin ng kung ano ano. Asintado? Never ako nag-Asintado. May God bless you all,” paliwanag ni Maika na nilagyan nito ng smiley emoticon.

Ngayon naman ay nababanggit na rin sa kontrobersiya ang ex-member ng GirlTrends na si Erin Ocampo.

May mga nagsasabing, diumano, si Erin ang third party—o mystery woman—sa relasyon nina Kylie at Aljur.

Pero hindi tulad nina Maika at Cindy, hindi binabasag ni Erin ang kanyang katahimikan sa isyu hanggang ngayon.

Continue reading below ↓

Nagkasama sina Erin at Aljur sa ABS-CBN primetime series na FPJ's Ang Probinsyano.

Si Erin ang ex-girlfriend ng dating Pinoy Big Brother: All In housemate na si Axel Torres.

Nagkaroon din ng relasyon si Erin sa singer na si Michael Pangilinan, at nagbunga ng isang anak ang kanilang pagmamahalan noon.

May mga kuwentong nagkausap na raw sina Erin at Kylie.

Pero walang kumpirmasyon dahil tahimik ang magkabilang-panig.

Contract star si Kylie ng GMA Artist Center, kaya hindi imposibleng magkasalubong ang landas nila ni Erin dahil nasa iisang bakuran sila.

Naging talent ng GMA Artist Center si Erin noong 2019.

Cast member siya ng The World Between Us, ang drama series na pinagbibidahan nina Alden Richards, Tom Rodriguez, at Jasmine Curtis Smith.

Nagpadala na kami ng mensahe kay Erin para makapanayam siya, makuha ang panig, at maipagtanggol ang sarili tungkol sa pagkakadawit ng pangalan niya sa hiwalayang Aljur-Kylie.

At press time, naghihintay pa kami ng sagot mula sa kanya.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod kina Cindy Miranda at Maika Rivera, ang isa pang nadadawit sa hiwalayang sina Kylie Padilla and Aljur (kanan) ay ang dating GirlTrends member na si Erin Ocampo (kaliwa). Pero wala pang pahayag si Erin tungkol dito.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results