Pokwang nilinaw kung bakit no-show sa Pepito Manaloto: Unang Kuwento mediacon

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2021
Bagong Kapuso star na si Pokwang nilinaw na nakasabay ng Mars Pa More taping niya ang mediacon para sa sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
PHOTO/S: @itspokwang27 Instagram / Pepito Manaloto: Unang Kuwento

Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ang unang regular sitcom ni Pokwang sa GMA-7 bilang bagong Kapuso.

Pero hindi siya nakasipot sa virtual media conference na ginanap nitong Miyerkules ng hapon, July 14.

Ayon kay Pokwang, mayroon siyang kasabay na work commitment.

Ang taping niya para sa Mars Pa More, ang morning talk show ng GMA-7, ang dahilan kaya hindi siya nakasipot sa masayang presscon ng prequel ng Pepito Manaloto.

Noong June 18 opisyal na pumirma ng kontrata si Pokwang bilang bahagi ng GMA Artist Center, ang talent management arm ng Kapuso network.

Mula noon ay ratsada sa guest appearances si Pokwang.

Noon lamang Sabado, July 10, bumida siya sa drama anthology na Magpakailanman.

Magsisimula namang umere ang Pepito Manaloto: Unang Kuwento sa darating na Sabado, July 17.

FLEXING NEW TALENTS OF GMA

Sinuportahan nina Michael V. at Manilyn Reynes ang virtual presscon ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento dahil may participation pa rin sila bilang mga narrator.

Continue reading below ↓

Si Michael V. ang creator ng Pepito Manalo kaya siya ang nagpaliwanag tungkol sa desisyon nila ng GMA-7 management na magkaroon ito ng prequel.

Inamin niyang ang kanyang top-rating sitcom ay inspired ng John En Marsha, ang sitcom nina Dolphy at Nida Blanca na namayagpag sa telebisyon mula May 1973 hanggang July 30,1990.

Sabi ni Bitoy, "I think it’s the best direction kasi ito yung part ng story ng Pepito Manaloto na hindi pa nae-explore, and it gives the creative team so much freedom to do whatever they want. Kahit may limitations, marami pa rin silang pwedeng i-discuss.

"And also to flex new set of talents na alam nating matagal na nating kasama dito sa GMA pero hindi pa nabibigyan ng ganitong task.

"So, I think itong mga handpicked namin to play certain characters will definitely be a part of the family, hindi lang ng Manaloto family kundi ng lahat ng pamilya na manonood at sumusubaybay sa Pepito Manaloto."

Continue reading below ↓

HOW THE CAST MEMBERS WERE CHOSEN

Bilang creator, may say rin si Michael sa piniling cast members ng sitcom at proud siya sa mga ito.

Tampok sa sitcom sina Sef Cadayona, Mikee Quintos, Gladys Reyes, Archie Alemania, Edgar Allan Guzman, Kokoy de Santos, Kristoffer Martin, Denise Barbacena, at Jay Arcilla.

Sabi ni Michael V. "Meron na kaming set ng cast in mind. May list na kami ng mga artistang posibleng gumanap ng mga karakter na ginagampanan namin ngayon.

"Nagkaroon ng audition process and kung sino yung talagang ma-nail yung karakter, sila yung kinuha namin."

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagong Kapuso star na si Pokwang nilinaw na nakasabay ng Mars Pa More taping niya ang mediacon para sa sitcom na Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
PHOTO/S: @itspokwang27 Instagram / Pepito Manaloto: Unang Kuwento
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results