Kapatid ni Hans Mortel binalikan ang mga huling sandali ng comedian-host

by Jojo Gabinete
Jul 14, 2021
Comedian and former Face To Face co-host Hans Mortel passed away Wednesday morning, July 14, at the age of 48.
PHOTO/S: @hansmortel on Instagram

Hindi sinunod ng nakatatandang kapatid ni Hans Mortel ang bilin ng stand-up comedian at former Face To Face co-host na huwag na siyang i-resuscitate kapag malala na ang kanyang kalagayan.

Bilin daw ni Hans: “Kapag pumangit na yung kalagayan ko, huwag ninyo na akong i-resuscitate. Kung hindi na kaya ni Ate ang pagpapaospital ko, huwag na lang. Hayaan ninyo na lang ako.”

Pero hindi ito sinunod ng ate niyang si Jean Mortel Chupungcu.

“Sabi ko, hindi. Gagawin ko ang lahat ng paraan kaya pumayag siyang magpa-intubate.

"Sinabi ko na wala akong pakialam kahit mangutang ako basta gumaling lamang siya," umiiyak na pahayag ni Jean sa eksklusibong panayam ng Cabinet Files.

Ngunit sa huli ay binawian din ng buhay si Hans.

Pumanaw si Hans sa Sta. Ana Hospital bandang alas nuebe ng umaga ngayong Miyerkules, July 14.

Ipagdiriwang sana ni Hans ang kanyang ika-49 kaarawan sa August 12.

HANS'S ILLNESS

Ayon kay Jean, nagsimula sa swollen lymph nodes ang karamdaman ni Hans. Hindi ito naagapan kaya nagkaroon ng mga kumplikasyon.

Continue reading below ↓

“Ang primary diagnosis sa kanya noong una siyang ma-confine sa Manila East Medical Center, abscess sa swollen lymph nodes, na pinabayaan niya, so kumalat agad yung infections even prior sa surgery.

“Noong nasa ospital siya, na-acquire niya ang pneumonia dahil sumobra na ang baba ng kanyang immune system. Nagkaroon siya ng pneumonia.

"Then, later on, na-diagnose din siya ng tuberculosis, nagpatong-patong na."

Ibinahagi rin ni Jean na nahirapan silang maghanap ng ospital na pagdadalhan kay Hans. Isa raw ito sa dahilan kaya hindi naagapan ang karamdaman ng kapatid.

“Noong may sakit siya, hirap na hirap talaga kami sa paghahanap ng ospital. Wala talaga kaming mapagdalhan sa kanya na ospital.

“Yung mga kaibigan namin, nag-offer na ng mga ospital sa Cavite, Pangasinan.

"Pero noong dadalhin na yung kapatid ko sa Cavite, hinarang siya sa checkpoint, pinabalik siya, kaya ang sakit-sakit.

"Hindi naman siya dapat mamamatay kung naagapan," humahagulgol na lahad ni Jean.

Continue reading below ↓

Awang-awa raw siya sa mga pinagdaanan ni Hans, pangalawa sa tatlong magkakakapatid.

Ang bunso nilang kapatid na si Maureen ang nag-alaga kay Hans nang nakaratay ito sa ospital.

“Isipin mo, hila-hila niya ang oxygen, tapos sinasabihan pa siya ng mga tao na maghintay sa triage," pagtukoy ni Jean sa pag-a-assign ng ospital kung sino ang uunahing pasyente depende sa karamdaman o kundisyon.

Sabi ng kapatid ko, 'Ate, hindi ko kayang tingnan si Kuya nang ganoon. Hindi na siya makahinga tapos nakaupo sa monoblock chair, kasama ng mga COVID-positive patient.’

"Natatakot siya sa kundisyon ng kuya niya. Baka mahawa pa ng COVID.

"Maraming ospital ang pinuntahan nila—sa Pasig, sa Taytay... Lumaban talaga si Hans."

THREE MONTHS HOSPITALIZATION

Tumagal ng tatlong buwan ang confinement ni Hans sa iba’t ibang mga ospital kaya umabot sa mahigit isang milyong piso ang nagastos ng kanyang pamilya.

May balanse pang P380,000 sa hospital bills ni Hans sa MCU Hospital.

Continue reading below ↓

Ito ngayon ang pinoproblema ng pamilya niya na umaasa sa mga taong may mabubuting kalooban na tutulong para mabawasan ang kanilang mabigat na alalahanin.

Lumuluhang sabi ni Jean, “Actually, ang tagal nang nagra-run ng GoFund Me at FB Fundraiser para kay Hans. Kung wala ‘yon, hindi namin talaga masu-sustain yung mga gamot niya.

“Yung antibiotic na iniinom niya, P3,000 ang isang tableta. Tatlo ang kailangan niya sa isang araw kaya P9,000.

"Tapos yung ICU room niya, P16,000. Ang binabayaran namin sa ospital, P50,000 a day."

Naging problema rin ng pamilya ni Hans ang ibabayad sa kabaong na paghihimlayan sa kanyang katawan, pero may mga nagmagandang-loob na tulungan sila.

VICE GANDA'S DISCOVERER

Si Hans ang itinuturing na discoverer ng comedian-TV host na si Vice Ganda.

Sa birthday celebration ni Vice sa It’s Showtime noong April 2017, ikinuwento niyang nakita siya noon ni Hans sa isang comedy bar sa Mabini.

Pagpapatotoo ni Jean, “Yes, totoo ‘yan.

Continue reading below ↓

"Natutulog noon si Vice sa bahay namin. Nanghihiram siya ng mga damit kapag may show.

"Hindi pa masyadong marunong si Vice na magpatawa noon.

"Karamihan sa mga sumikat mula sa comedy bars, dumaan sila lahat sa bahay namin, doon sila natutulog.

"Kapag nalalasing si Hans, iniuuwi nila."

Paano niya ilalarawan si Hans bilang kapatid?

Ayon kay Jean, “Magkasunod kami, two years ang agwat ng edad namin. Kami rin ang laging magkaaway noong mga bata pa.

"Pero noong lumaki na kami, lalo na nung magkaroon siya ng mga pamangkin, lahat ng hirap ko, lahat ng hirap na dinaanan ko, nasa likod ko yung kapatid ko.

"Kasi noong panahon na ‘yon, siya ang nakakaluwag dahil nga singer siya, madaling kumita ng pera."

Isinilang si Hans noong August 12, 1972.

Valedictorian student si Hans mula Grade 1 hanggang high school.

Naging exchange student sa Japan at nag-aral ng Psychology sa University of the Philippines. Pero hindi niya natapos ang kurso dahil naimpluwensiyahan siya ni Jean na maging singer.

Continue reading below ↓

Habang isinusulat namin ito, inaayos pa ang katawan ni Hans na ibuburol sa St.Peter Chapels la Funeral Real sa Taguig City.

Nakatakdang i-cremate ang kanyang mga labi sa Sabado, July 17.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Comedian and former Face To Face co-host Hans Mortel passed away Wednesday morning, July 14, at the age of 48.
PHOTO/S: @hansmortel on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results