Sharon Cuneta impersonator na si Ate Shawee nakikipaglaban sa sakit na liver cirrhosis

by Jojo Gabinete
Jul 15, 2021
Inilabas na ng ospital ang Sharon Cuneta impersonator na si Ate Shawee dahil hindi na kaya ng kanyang pamilya ang gastusin. Kaugnay nito, nananawagan ang comedian-host at ang pamilya nito ng pinansiyal na tulong para maipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot.
PHOTO/S: Courtesy of Rafaela de Jesus

Ngayong July 15, ang 45th birthday ni Marvin Martinez—na mas kilala bilang Ate Shawee, ang impersonator ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Ngunit sa halip na magdiwang, malungkot na malungkot siya sa araw ng kanyang pagsilang.

Tila nawawalan na ng pag-asa si Tita Shawee dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng kanyang kalusugan.

Facebook post niya noong July 2: “Hindi na pala ako gagaling. Lumabas man babalik uli [sa] ospital. Walang-wala na ako. Umaasa lang ako sa mga nagbibigay ng tulong sa akin. Di ko na yata kakayanin, anuman ang mangyari, konti na lang suko na ako.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng Cabinet Files ang pamangkin ni Ate Shawee na si Rafaela de Jesus ngayong Huwebes ng hapon, July 15.

Siya ang nagkuwento tungkol sa pakikipaglaban ng kanyang tita sa karamdamang liver cirrhosis.

Ayon kay Rafaela, lumalaban ang kanyang Tita Shawee dahil gusto nitong gumaling.

Nakapagsasalita lamang daw ito na tila nawawalan na ng pag-asa dahil sa epekto ng hirap na nararamdaman ng katawan niya.

Lahad ng pamangkin ni Ate Shawee, “May liver cirrhosis siya.

"Nag-start lang po sa fatty liver noong December 2020, tapos nag-take siya ng medication pero biglang lumubo ang tiyan niya.

“Nang magpa-check up siya last month, liver cirrhosis na pala, malala na.

“Na-confine po siya sa Chinese General Hospital pero lumabas na siya last week. Pabalik-balik siya sa ospital para i-drain ang tiyan niya.”

Umiinom ba si Ate Shawee ng alak?

Sagot ni Rafaela, “Umiinom siya ng alak pero occasionally lang, hindi siya palainom.

"Sabi ng doktor, dahil din sa mga kinakain niya na maaalat at oily food.

Ang kasambahay po niya ang nag-aalaga sa kanya. Araw-araw na lang siyang binibisita ng kanyang kapatid sa bahay niya sa Tayuman [Sta. Cruz, Manila]."

Kuwento pa niya, "Ngayon po ang birthday niya. Nagpapatawa pa rin siya despite sa karamdaman niya.

"Sobrang payat na niya, as in napakalayo na sa kanyang dating hitsura. Mabagal na po siyang magsalita dahil nahihirapan siya.

“May mga tumutulong naman po kaya natagalan din siya sa ospital, pero inilabas na namin siya dahil wala nang panggastos para sa kanyang confinement.

“Nangangailangan po siya ng financial help."

Continue reading below ↓

Sina Senator Bong Revilla Jr. at Manila City Mayor Isko Moreno ang ilan sa mga nagpadala ng financial help kay Ate Shawee.

Pero nais din ng maysakit na comedian-host at ng mga kamag-anak nitong lumapit kina Vice Ganda at Sharon Cuneta.

Sabi ni Rafaela, “Palagi rin po kaming nagpo-post sa social media tungkol sa kalagayan ni Tita Shawee para makarating kay Ms. Sharon Cuneta. Baka-sakaling makatulong siya kay Tita Shawee kahit konti.

“Lagi ko rin mine-mention si Vice Ganda sa mga post ko. Baka hindi pa nakakarating kay Vice ang nangyayari ngayon kay Tita Shawee.

"Pero si Kiray Celis po, na-share na niya ang post ko."

Sa mga nais mag-abot ng tulong kay Ate Shawee, ito ang mga detalye:

Gcash: Marvin M. (0956290 8225)

Bdo Unibank inc.: Justine D. Castro (002470252578)

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilabas na ng ospital ang Sharon Cuneta impersonator na si Ate Shawee dahil hindi na kaya ng kanyang pamilya ang gastusin. Kaugnay nito, nananawagan ang comedian-host at ang pamilya nito ng pinansiyal na tulong para maipagpatuloy ang kanyang pagpapagamot.
PHOTO/S: Courtesy of Rafaela de Jesus
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results